Hindi nawala ang pagdadalawang-isip ng lahat sa ginawang deklarasyon ni Ye Xiu sa pagpupulong na naganap pagkatapos ng labanan. Marami ang nagalit kay Ye Xiu dahil sa ginawa niyang pagpupumilit sa isang taong hindi naman talaga malakas bilang isang malakas na manlalaro.
Lalong-lalo na sa forums, sa totoo lang ay may usapan pa nga doon na si An Wenyi raw ang tagatustos, at lalake ni Chen Guo. Sinasabi nila na hindi raw maaaring maalis sa Team si An Wenyi dahil sa mas malakas ang awtoridad ni Chen Guo kaysa kay Ye Xiu.
Naging marami ang mga taong tumanggap sa usaping ito, kasama na doon ang ilang mga tagahanga ng Happy.
Mabuti na lamang ay hindi kaagad naniniwala ang mga Reporter sa mga haka-haka. Ang tanging isinulat lamang nila ay ang matigas na ulo ng Happy.
"Maganda't maliwanag ang kinabukasan ng Happy para sa season na ito. Pero marahil ay hanggang dito na lamang sila dahil sa masyadong matigas ang kanilang ulo!"