Nakabalik na si Du Ming sa sarili niyang katinuan. Hindi inaasahang mas magiging maganda kaysa sa inaasahan ng lahat ang kaniyang paglalaro. Idagdag pa na sabik na sabik siya para sa labanang ito, sa araw na ito.
Pero papaano naman si Tang Rou?
Syempre, ginawa na naman niya ang lahat ng makakaya niya kagaya sa kaniyang mga nakagawian. Sa mga labanan ay palagiang hindi niya hinahayaang siya ay maging pabaya. Kahit na sino pa man ang kaniyang kalaban, o kahit na ano pa man ang sitwasyon niya sa labanan.
Natapos na ang isinapubliko niyang pangako na makakuha ng tagumpay kaharap ang tatlong kalaban nang mag-isa sa Group Arena. Pero sa isipan ni Tang Rou, hindi pa niya nakakamit ang kaniyang pangarap na manalo ng 1v3!
Kahit na siya ang angkla para sa Group Arena, at hindi na tatlong mga manlalaro ang maari niyang matalo para sa Group Arena na ito ay palagiang naglalaro si Tang Rou sa isang mentalidad na nakahanda para sa ganoong klase ng tagumpay.