Kasalukuyang sinusubukan ni Mo Fan kung hanggang saan aabot ang kaniyang kakayahan. Pero ang dahilan kung bakit tinatawag na limitasyon ang mga limitasyon ay dahil sa hindi ito basta-basta nababasag.
Hindi naman kasi kagaya sa pagsisikap sa loob ng laro ang pagpapalakas sa iyong sarili sa laro. Hindi maaring maging maswerte ka't bigla ka na lang magiging isang magaling na manlalaro dahil sa isang piraso ng malakas na kagamitang hawak-hawak mo.
Ito ay ang mga bagay na kailangang dahan-dahan mong linangin araw-araw. Dahan-dahan mo ring kailangang maglikom ng karanasan sa labanan. Kung gusto mong biglaang basagin ang iyog limitasyon, hindi iyon magiging madali.
Hindi naman kasi maaring mabasag mo ang iyong limitasyon dahil sa dumating ang isang araw na parang naramdaman mo na parang gusto mo na itong basagin kaya mababasag mo ito, hindi ba?