Nagsimula na ang ikalawang labanan sa Group Arena, at hindi tinahak ng dalawang manlalaro ang daan na inaasahan ng lahat. Nagpatuloy sa kawalang-hiyaan niya si Fang Rui, habang ang Thief naman ni Lin Feng ay sumugod sa sentro ng mapa.
Tama, sumugod nga sa sentro ng mapa ang isang Thief. Ito ay isang galawan na hindi inaasahan ng lahat na magmumula sa isang Thief. Gayunpaman, ito ang istilo ng paglalarong nakasanayan ni Lin Feng gamit ang kaniyang Thief.
Ang istilo ng paglalaro ni Lin Feng ay isang hindi pangkaraniwang istilo ng paglalaro ng mga Thief na tinatawag na Battle Thief Playstyle.
Nagbago ang istilo ng Wind Howl pagkatapos nilang papasukin sa Team si Tang Hao, at matapos nilang matuklasan ang potensyal ng baguhang manlalaro na si Zhao Yuzhe.