Kahit na gaano pa man kaliit ang Health na naibabalik nang isang unspecialized. Health pa rin naman ang naibabalik. Kapag hinayaan na lamang nila si Lord Grim na maipagpatuloy niya ang kaniyang paglalapat ng Heal ay malamang na mababalik muli ang karamihan sa mga Health ng Team B.
Dahil dito, kapag tinitigan lamang ng dalawang magkalabang Team ang isa't-isa ay makukuha ng Team B ang kalamangan sa kanilang dalawa dahil sa unspecialized na si Lord Grim. Pero ang Team A? Hindi maaring titigan na lamang nila ang kanilang mga kalaban.
Kailangang lumaban nila muli.
Gayunpaman, ang unang umatake ay ang Team B pa rin. Mukhang hindi yata plano ng Team B na kunin ang kalamangan kaharap ang kanilang mga kalaban dahil kay Lord Grim. Tumigil lamang sila para tingnan ang kasalukuyang nilang sitwasyon.