Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 1258 - Ang Isang Miyembro ng Pinakamalakas na Team

Chapter 1258 - Ang Isang Miyembro ng Pinakamalakas na Team

"Uy, uy, uy, hindi mo kami pinapansin!" Inis na inis na sabi ni Ye Xiu kay Zhang Xinjie.

"Ito ay ang Tyranny..." Sabi ni Zhang Xinjie.

Tama, ito nga ay ang Tyranny.

Natigilan ang lahat, pero kaagad rin naman nilang namalayan kung ano ang ibig sabihin ni Zhang Xinjie. Kahit na hindi naman sa nagugustuhan niya ang ganitong klase ng mga labanan. Pero ito ay ang Tyranny, ang Tyranny ang namamahala sa All-Star Weekend ng taong ito.

Dahil diyan, hindi maaring hayaan na lamang na maging matamlay nina Zhang Xinjie, at Han Wenqing ang entabladong kanilang pinamamahalaan. Kailangang gawin nila na mas pambihira pa kaysa sa mga nagdaang All-Star Weekend ang taong ito ng All-Star Weekend na pinamamahalaan nila.

"Kung sana'y nasa Team A lang ako..." Napabuntong hininga si Ye Xiu. Sinulyapan siya ng lahat; hindi ba maaring hindi mo na sabihin iyan? Sinasadya mo bang maliitin ang Tyranny?

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS