Ang Cleric ng Happy, si An Wenyi!
Naging matigas ang tono ng pananalita ni Li Yibo, at naging malaki rin ang tiwala niya sa kaniyang sarili sa mga panahong binitawan niya ang mga salitang ito. Pero dahil sa nasa estasyon siya ng telebisyon ngayon.
Malamang ay hindi niya alam kung gaano karami ang mga taong humahamak sa kaniya sa mga sandaling ito sa mga panahon binitawan niya ang mga salitang 'yun.
Ang kahinaan ng Happy ay si An Wenyi. Hindi namin kailangang marinig 'yan. Sino naman kasi sa amin ang hindi alam ang katotohanang 'yun.
Tama, alam nilang lahat ang katotohanang ito. Pati na si Pan Lin. Hindi inaasahan ni Pan Lin na ang magiging sagot ni Li Yibo ay isang katotohanan na alam na nilang lahat.
Matapos matulala ng ilang mga segundo ay nakapagsalita na rin siya sa wakas: "Ah... Tama, tama... Talagang si An Wenyi nga ang kahinan ng Happy."