Sa ibang mga panahon ay malamang na kanina pa naghihingalo si Chen Guo sa kakatawa dahil sa dinanas ng mga Reporter na ito. Pero ngayon ay hindi niya magawang matawa. Sa totoo lang ay naiiyak na nga siya sa lahat ng mga nangyayari,
Simula pa lamang noong nakaupo na siya sa upuang ito ay kanina pa niya pinipigilan ang sarili niya sa pag-iyak sa ilalim ng panonood ng lahat.
Hindi nasasakop sa patakaran ng Alliance ang boss ng isang Team, at dahil diyan ay maari naman sana na hindi sumipot si Chen Guo sa mga Press Conference ng Team. Pero ngayon ay nandirito siya, kasalukuyang nakaupo sa tabi ni Tang Rou, dahil sa gusto niyang makasama si Tang Rou.
Alam naman kasi niya na may gagawing isang mahirap na desisyon si Tang Rou.
Ramdam ni Chen Guo na para bang wala siyang kwenta. Ginusto niyang manatili sa tabi ni Tang Rou para mabigyan siya ng suporta sa pinagdaraanan niyang ito, pero siya naman pala ang mas mahina kaysa sa kanilang dalawa.