"Walang hiya!" Agad na sinigaw ni Fang Rui matapos mahulog sa patibong.
Talaga bang galit siya para sumigaw ng ganito? Syempre hindi. Alam na niya na talagang walang paraan para makatakas siya pero ayaw niyang hayaan na makaalis ng ganito kadali ang Happy. Sa pagsigaw, umaasa siyang makukuha nito ang atensyong ng Misty Rain at Royal Style. Ang paghatak sa kanila ang magpapatigil sa progreso ng happy.
"Hahaha, sige lang at sumigaw ka kung gusto mo. Pwede kang sumigaw hanggang sa mapaos ka at walang makakarinig sayo." Sabi ni Ye Xiu na may kasama pang nakangisi na emoji. Nilingon ni Fang Rui ang kamera niya. Totoo nga naman, walang kwenta! Masyado silang malayo, huwag ngbanggitin pa na matindi silang naglalaban. Kung ano anong mga sound effects mula sa kanilang mga skills na ginamit. Walang paraan para madala ang boses niya papunta doon.
"Dali, Patayin siya!" utos ni Ye Xiu habang unang umakto ang Lord Grim niya.