"Tahimik muna ngayon." Mensahe ni Ye Xiu sa team.
Ngayon, hindi lang sa kailangan nilang manood, kailangan nilang makinig at maaaring makarinig sila ng mga boses mula sa ibang team na nagsasalita. Kaya tumahimik ang lahat. Walang isang tunog na maririnig. Isang Underground Dungeon ang Ghost Lair, ang klase na hindi makikita ang langit. Tuming ng maingat si Ye xiu at walang narinig pero hindi niya tinangkang maging sobrang kompyansa. Nagpadala siya sa team channel. "Gagamitin natin ang mga mensahe para magusap sa ngayon."
"Sige." Sagot ng iba.
"May dalawang daan, ano sa tingin niyo ang dadaanan natin?" Habang tinitignan ni Ye Xiu ang paligid, tinignan rin ng iba at nakita ni Su Mucheng na pwede nating piliin ang kaliwa o kanan mula sa sumila. Talagang hindi malinaw ang sitwasyon at walang ideya, kaya walang kaibahan ang kaliwa o kanan.
"Ayos lang kahit saan!" papunta na ang kanyang Lord Grim sa kaliwang lagusan.