"Sitwasyon ng sahod naming? Hindi ko sigurado." KKalmado itong sinabi ni Tang Rou, tila ba hindi siya naguguluhan.
Ilang sandali ang kinailangan ng mga reporters para magpakita ng reaksyon. Hindi ito ang sagot na inaasahan nila. Kahit na tinanong nila ito, para lang ito sa talagang pag-uusapan nila. Ang sahod ng pro player ay isang bagay na paglalawayan ng isang Internet Café player magdamag. Ngunit ang sinagot ni Tang Rou ay "hindi ko sigurado". Sa maling direksyon sila dadalhin ng sagot na ito!