Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 1029 - Paunang Hanay

Chapter 1029 - Paunang Hanay

Hindi magawang kumalman ng mga manonood. Gaano kalalim ang relasyon nina Ye Xiu, at Su Mucheng sa isa't-isa? Dahil palagiang tinatago ni Ye Xiu ang kaniyang sarili mula sa mga mata ng lahat ay hindi alam ng kaniyang mga tagahanga ang tungkol dito.

Dahil dito, nabigla silang lahat at nagulat sa biglaang sinabi ni Su Mucheng sa lahat na dito na raw natatapos ang kaniyang pamamalagi kasama ang Excellent Era. Talagang nahirapan silang maniwala sa ginawa ni Su Mucheng na paglampas sa upuan ng Excellent Era para doon umupo kasama ang Happy.

Anong mga nangyayari?

Nag-iingay na ang mga manonood, pero walang kahit na sino sa kanila ang naiintindihan kung ano nga ba ang mga nangyayari. Kahit na sina Pan Lin, at Li Yibo ay nagulantang at walang masabi matapos makita ang mga ipinakita ni Su Mucheng sa mga sandaling ito.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS