Kagaya sa inaasahan ng lahat ay hindi sila binigo ng finals sa Challenger League. Mayroong isang oras pa bago magsimula ang huling labanan ng Challenger League, pero punong-puno na ng mga tao ang buong Liulisong Sports Arena.
Hindi ito ang istadyum ng Excellent Era sa kanilang siyudad. Pero hindi sila nagkulang ng mga tagahanga sa siyudad na ito. Idagdag pa na ang mga tagahanga nila mula sa City H ay pumunta rin dito para ipakita sa lahat ang kanilang bandera, bilang isang tapat na tagahanga ng Excellent Era.
Gayunpaman, ilan lamang sa kanila ang inaasam-asam na manalo sa labanang ito ang Excellent Era. Ito ay dahil sa ang ibig nilang ipinapahiwatig sa mga panahong gusto nilanag magtagumpay ang Excellent Era ay ang tagumpay nila sa Alliance.