Hindi niya naisip na matapos magpanggap bilang isang master teacher sa matagal na panahon, kung kalian napaniwalaan na ng lahat na totoo siya... ay mapapahamak siya sa kakulangan niya ng kaalaman.
Kung alam lang niya na walang mga poison master sa Tianxuan kingdom, hindi na niya sana sinabi ang mga salitang iyon!
Kahit na mayroong mga aklat tungkol sa lason sa Book Collection Vault ng kaharian, ito ay para lamang sa pagtatala. Ito ay mga elementaryang libro para sa paggamit ng lason, gaya ng mga elementaryang libro sa Apothecary Guild basic tier book collection vault. Mga mattas na konsepto para sa mga poison master ay hindi nito sakop. Kaya ignorante si Zhang Xuan sa mga ganitong kaalaman.
Hindi nakapagtataka na sila Liu Ling at ang iba ay nagdududa na sa kanya. Hindi man lang niya taglay ang mga pangunahing kaalaman na maging ang mga karaniwang tao ay taglay.