Chereads / Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 88 - Ang Apothecary Guild

Chapter 88 - Ang Apothecary Guild

"Sige na, dito na nagtatapos ang klase naten ngayong araw. Pag-uwi niyo, magcultivate kayo base sa kung ano ang itinuro ko sa inyong lahat ngayong araw. Hindi ko gustong matalo sa gaganaping Teacher Evaluation pagkalipas ng kalahating buwan! At sana pareho tayo ng iniisip!"

Pagkatapos niyang magturo ng ilan pang mga bagay tungkol sa cultivation sa loob ng silid, ikinumpas ni Zhang Xuan ang kanyang kamay bilang senyales na tapos na ang kanilang klase.

Pagkatapos niyang makasalamuha ang iba nitong mga nakaraang dalawang araw, unti-unti na siyang nasasanay sa pagiging isang guro, at ang disposisyon ng isang guro ay unti-unting nabubuo sa kanyang pagkatao.

"Opo, Zhang laoshi!"

Ikinuyom nila Zhao Ya, Zheng Yang at ng iba pa ang kanilang mga kamao at namula ang mga mukha nila.

Pagkatapos ng pangyayari kanina, alam nilang hinamon ni Lu Xun laoshi si Zhang laoshi at sila ang pinaglalabanan sa hamon na ito.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS