"Ang mga guro ng sampung eskwelahan ay gagawa ng bulikong leksyon bawat isa sa 'Impartation Podium' mamaya ngayon araw. Umaasa kami na pupunta si Brother Zhang kasama namin dito. Ang iyong mga mata ay mas magaling sumuri kaysa sa amin, kaya nagtitiwala kami sa iyong panghuhusga," Sabi ni Ruohuan gongzi.
Matapos makaranas ng madaming atake habang nakikipagkumpitensya sa lalaking nasa harapan niya, mas alam niya kaysa kanino man na ang kabilang panig ay tao na may mahusay na kakayahan.
Kung ang kabilang panig ay makakatulong na makahanap siya ng guro, siguradong mas makabubuti ito kaysa sa susubukan niya ang kanyang swerte.
Mayroon lamang tatlong araw para sa mga estudyante na makahanap ng guro. Ang kanilang kinabukasan ay nakasalalay dito. Maaari silang lumipad ng mataas dahil sa magaling na guro, ngunit kung magkakamali sila dito, sa halip maaari mauwi na masagad ang kanilang magagawa sa kanilang kinabukasan.