"Nitong nakaraan lang, nang itanong ko ang ilang mga katanungan sa Teacher Qualification Examination kay Zhang laoshi, bukod sa malinaw ang mga naging sagot niya, nagawa pa niyang magbigay ng pito hanggang walong kasagutan para sa bawat isang tanong. Higit pa dito, hindi ko nagawang maisip ang ilan sa mga sagot na sinabi niya. Ang kanyang karunungan ay tunay na karapat-dapat igalang! Noon, nagtataka ako kung paanong hindi siya nakakuha ng kahit isang puntos sa simpleng Teacher Qualification Examination. Yun pala… ang resultang inilabas nila ay dinaya!"
Biglang may naalala si Shen Bi Ru at sumabat. Makikita ang matinding galit sa maganda niyang mga mata.
Kagabi sinubukan niya si Zhang Xuan at madali niyang nasagot ang lahat ng kanyang mga tanong. Noon, naisip niya na kakaiba ang nangyayari. Ngayon, nang marinig niya ang pag-uusap nila, may napagtanto siya.
Malamang nasagot niya ng tama ang mga tanong na iyon, ngunit hindi siya binigyan ng puntos ng Education Bureau para dun.
Samakatuwid, walang mali sa papel niya, ngunit… ang guro mula sa Education Bureau na nagmarka sa papel niya ay binigyan siya ng zero!
Bakit?
Bakit niya ginawa yun?
"Hindi nakapagtataka na ayaw magsalita ni Zhang laoshi. Kunsabagay, magkakatrabaho kayong lahat. Kapag sinabi niya ang totoo, bukod sa masisira nito ang samahan ninyong mga guro, maaapektuhan din nito ang reputasyon ng akademya! Para dito, handa siyang dalhin ang pasanin na tawagin siyang 'basura'!" Habang pinag-iisipan ni clan head Wang Hong ang tungkol dito, mas lalo niyang 'naintindihan' at 'napagtanto' niya ang sitwasyon.
"Hindi mo ba nakita kung paanong nag-aalinlangan si Zhang laoshi kanina na ibunyag ang katotohanan?"
"Kung hindi pa siya naipit sa sitwasyon, malamang itatago nita ang sikretong ito sa kailaliman ng puso niya habambuhay. Kahit na hindi siya maunawaan ng lahat, tahimik niyang kikimkimin ang pasaning ito… Sa katunayan, sa kabila ng lahat ng ginawa mo para pahirapan siya, ang ginawa niya lang ay ipakita ang cultivation niya ng hindi man lang nagpapaliwanag. Kinailangan pa nga naming manghula kung anong nangyari…"
Ano ang isang huwarang modelo?
Ito yun!
Ano ang isang hindi materyoso at marangal na guro?
Ito yun!
"Kapag kumalat ang isyu na may pinapaboran ang akademya, magsisimulang pagdudahan ng lahat ang autentisidad ng resulta ng Teacher Qualification Examination ng akademya, at magkakaroon ng pagdududa sa kakayahan ng ibang mga guro na magturo… Kapag nangyari yun, magkakagulo ang buong akademya! Mas gugustuhin pa niyang mahusgahan siya ng iba at pasanin ang paghihirap na ito nang mag-isa kaysa magsalita. Ang kagandahang-loob at ang pagiging di-makasarili na ito…"
Higit na nanggigil ang isang elder mula sa Wang clan nang magsalita siya.
Hindi niya lubos maisip na mayroon palang ganito karangal na guro sa mundo.
"Nakakatawa na inisip pa nating wala siyang kayang gawin, at isa siyang walang-kwentang basura!"
Habang nagsasalita sila, nabaling ang nanlilisik na mga mata ng mga tao kay Elder Shang Chen.
"Tingnan mo siya, tapos tingnan mo ang sarili mo!"
"Pareho kayong mga guro, pero bakit malayo ang pag-uugali niyong dalawa?"
"Pinapahalagahan ni Zhang laoshi ang pagkakaibigan at mas gugustuhin pa niyang tanggapin ang mga pang-iinsulto ng iba nang mag-isa kaysa traydurin ang mga kasamahan niya, pero kayong lahat…"
"Ano kasi…"
Halos magwala na si Shang Chen.
[Ano 'to, anong nangyayari?
Anong pandaraya sa mga resulta? Anong pagpapahalaga sa pagkakaibigan…
Totoong nasa Zhenqi realm ka dati, at napakagulo ng papel mo. Kung titingnan maigi ang iyong mga pamantayan normal lang na wala kang makuhang kahit isang puntos sa pagsusulit… Personal kong tiningnan ang mga papel, kaya imposibleng magkaroon ng pagkakamali. Paanong nangyari na pinapahirapan kita?
Zhang Xuan, talagang kasuklam-suklam ka. Hinahamon kita na linawin ang lahat…]
Naramdaman ni Elder Shang Chen na umiikot ang dugo sa kanyang bibig, at handa na itong bumulwak anumang oras.
…
Nagulat si Zhang Xuan nang makita niyang nagkakagulo na ang lahat.
[Yung totoo, ang ibig kong sabihin ay nagkamali ang Education Bureau sa pagmamarka sa pagsusulit, bakit naging… sobrang gulo ng sitwasyon?
Masyadong matindi ang mga imahinasyon niyo!
Ngunit, ehem ehem… Parang gusto ko ang nangyayari…]
…
"Ano namang dahilan ko para pahirapan siya! Bilang tagapamahala ng Education Bureau, at isang elder ng akademya, walang dahilan para pahirapan ko ang isang low-level teacher na gaya niya!"
Gaya ng inaasahan sa pinuno ng Education Bureau, madali siyang nakahanap ng mali sa sitwasyon.
Laging may motibo at rason sa likod ng bawat pagkilos.
Kung iisipin, dahil sa kanyang kagalang-galang na pagkatao walang dahilan para may balakin siya laban sa isang ordinaryong guro!
"May iba pa bang kailangang sabihin tungkol sa sitwasyon na 'to? Ang apo mo, na si Shang Bin, ay naghahangad na makuha ang posisyon ng isang star teacher ng nakababatang henerasyon, ngunit dahil nandiyan si Zhang laoshi, na nagtataglay ng pambihirang lebel na cultivation at kakayahan sa napaka batang edad, mahihirapan siyang manalo laban sa kanya. Kaya naman, para mapigilan niyang mangyari iyon, napagdesisyunan mong alisin siya sa kompetisyon!"
Si Elder Mo naman ang nagsalita ngayon. Habang nagsasalita siya, mas lalo siyang nanggagalaiti, hanggang sa punto na tinatangay na ng hininga niya ang balbas niya. "Wala man akong matibay na ebidensya sa insidenteng ito, ngunit buong araw ko nang sinusubaybayan ang sitwasyon mula umpisa hanggang dulo. Ang Enlightenment Will Trial, ang pustahan at ang pagpapahirap… Shang Chen, talagang pambihira ka. Hindi ko lubos maisip na naging magkaibigan tayo ng matagal na panahon, ako, si Mo Xiang, ay isang bulag!"
Galit si Elder Mo sa masasamang gawain at masasamang tao. Dahil sa mga sinabi ni Elder Shang, nagpunta siya dito para linisin ang mga dumi sa kanilang hanay. Ngunit, tanging ang mga pagpapahirap lang ni Elder Shang kay Zhang Xuan laoshi ang nakita niya.
Sa kabilang banda, patuloy na ginamit ni Zhang Xuan ang mga bagay para patunayan na inosente siya.
Hindi ba't malinaw na may problema dito?
"Kung hindi pa sapat ang mga ito para maging malinaw ang lahat, hindi ba't ibig sabihin lang nun na ako, si Mo Xiang, ay bulag?"
"Titistigo din ako na nakita mismo ng mga mata ko na sinadya ni Elder Shang Chen na pahirapan si Zhang laoshi!"
"Para gawin niya ito sa harap mismo natin, ano pa kayang mga ginawa niya habang nakatalikod tayo!"
"Hindi mo talaga pwedeng husgahan ang isang tao sa panlabas niyang anyo. Hindi ko maisip na gagawa ng masamang bagay ang pinuno ng Education Bureau para sa apo niya. Isa siyang hayup!"
…
Sa oras na ibinuka ni Elder Mo ang kanyang bibig, maraming tao ang nagsimulang magsalita, nagagalit sila dahil sa ginawa kay Zhang Xuan.
"..."
Nakaramdam ng pagkahilo si Elder Shang Chen at halos mabaliw na siya sa mga nangyayari.
"Hindi… Hindi ko siya pinapahirapan. Dahil lang sa pagyurak niya sa dignidad ko, kaya ko siya kinagagalitan…"
"Kapag sinabi ko bang wala akong masyadong alam tungkol sa kanya bago ang araw na 'to, maliban sa hindi sapat ang kanyang kakayahan bilang isang guro, maniniwala ba kayo sakin?"
Ngunit kung titingnan ang nanggagalaiting itsura ng mga tao, alam niyang walang-kwenta kung magpapaliwanag pa siya.
Tila naputikan ang kanyang pantalin, parang tae pa rin ito kahit na totoo man ito o hindi!
Lumingon siya para tingnan ang taong nagsimula ng lahat ng ito, si Zhang Xuan, nasa likuran pa rin niya ang kanyang mga kamay at makikita pa rin ang kalungkutan sa kanyang mukha, na para bang hindi niya gustong ibunyag ang sikretong ito.
"Anong hindi mo 'to ginusto!"
"Dahil ito sa mga kalokohan mo!"
"Ikaw yung walang kakayahan at nakakuha ng zero sa Teacher Qualification Examination, bakit biglang naging ang Education Bureau namin ang nandaya sa resulta mo at pinapahirapan kita?"
"Anong kinalaman ng insidenteng ito sakin o sa Education Bureau?"
Pu!
Hindi na mapigilan ni Elder Shang na lumabas ang galit na naipon sa kanyang dibdib.
"Hmph, ang lakas ng loob mo at nakuha mo pang magsalita ng masama pagkatapos mong gumawa ng mga nakakahiyang bagay. Kung ako ikaw, baka matagal ko nang inuntog ang sarili ko sa poste at nagpakamatay!"
"Napaka walang hiya mo. Paanong naging pinuno ng Education Bureau ng Hongtian Academy ang isang tulad mo?
"Bukod pa dun, isa siyang elder. May problema sa pag-uugali niya, sa tingin ko kailangan nating bawiin ang lisensya niya sa pagtuturo…"
…
Nang makita siya ng mga tao na magsalita ng masama, bukod sa walang nakisimpatya sa kanya, lalo pang naging masakit ang mga salita nila.
"Paano nangyari 'to?"
Natulala sila Shang Bin at Cao Xiong.
Kanina lang, nasa mga kamay na nila ang alas at malapit na silang manalo. Paanong nabaligtad ang sitwasyon ng ganun kabilis?
Anong nangyayari?
Pagkatapos niyang magsuka ng dugo, guminhawa ang pakiramdam ni Elder Shang Chen at nahimasmasan ang kanyang isipan. Tumingin siya sa paligid at nanginig ang kanyang mga kamay. Pagkatapos, galit siyang tumingin kay Zhang Xuan, at sinabing, "Hindi ko malilinis ang pangalan ko sa paratang mo na pinapahirapan kita kaya ka nakakuha ng zero sa Teacher Qualification Examination. Ngunit, paano naman yung tungkol sa estudyanteng nagwala? Ang insidenteng yun ay nangyari sa silid-aralan mo, paano mo ipapaliwanag yun?"
[Marami ka mang dahilan at palusot, pero ang estudyanteng nagwala sa klase mo ay isang katotohanan na hindi mo maitatanggi. Tingnan natin kung paano mo ipapaliwanag yun.]
Gedeng, ang tibok ng puso ni Zhang Xuan.