Chereads / Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 71 - Ang Mayabang na Batang si "Bai Wang Ye"

Chapter 71 - Ang Mayabang na Batang si "Bai Wang Ye"

"Bai Xun 'Xiao Wang Ye?"

[1] Xiao -> Bata

Napaatras ang lahat.

Bata lamang ang Bai Xun na ito, pero siya ay isang henyo sa martial arts. Sa edad na labimpitong taong gulang, narating na agad niya ang Fighter.5-dan pinnacle, kaya nakilala ang kanyang pangalan sa buong Tianxuan City.

Nasabi rin noon ni Emperor Shen Zhui na posibleng siya ang maging pinakabatang Pixue realm expert sa kaharian.

Si Zhennan Wang ay abala sa pagbabantay sa timog na hangganan, kaya hindi siya nanunuluyan sa kapitolyo. Bunga nito, hindi pumasok ang batang wangye sa kanyang mga klase sa Hongtian Academy. Subalit, dqhil sa kanyang magagandang marka, nagawa niyang matanggap sa mas magandang Beiwu Academy!

Ang Beiwu Academy ay isang paaralan na may 1-star master teacher!

Ang lahat ng mga nakakapasa sa pagsusulit at makasama dito ay mga kilalang henyo!

[Noong mga nakaraang araw, bumalik si Zhennan Wang a Tianxuan City upang magbalik sa trabaho. At sinundan din siya ni Bai Xun sa kapitolyo. Kaya lang... ang ginagawa niya dito, ay naghahanap kay Zhang Xuan laoshi…

Ang isa ay ang pinakamasahol na guro sa paaralan habang ang isa naman ay isang magaling na henyo, anak ng isang maimpluwensiyang opisyal... hindi maaaring maihambing ang dalawang ito!

Posible kayang kilala nila ang isa't-isa? Ngunit ang kanilang katayuan ay sobrang magkaiba!]

"Dali, papasukin mo siya!"

Hindi man alam ni Elder Shang Chen ang nangyayari, pero hindi niya gustong nangahas na bastusin ito. Kung kaya, agad niyang sinenyasan ang gurong nakaatas upang ihatid siya.

Hu!

Saglit lang ang makalipas, isang nakaputing binata ang naglalakad na may malalaking hakbang. May iilan ding nakasunod sa kanya. Sila ay nakasuot ng bakal na baluti at ang kanilang mata ay nanlilisik.

Ang binatang ito ay hindi man katandaan, pero mayroon siyang malakas na aura. Ang lakas ng kanyang katawan ay lumiliwanag na parang araw, nagbibigay ng matinding kaba sa iba.

Kahit na mga Fighter 5-dan pinnacle expert din ang mga ito, kung titingnan ang aura nito, kitang-kita na mas malakas ito kina Shang Bin at Shen Bi Ru.

"Magbigay galang kay xiao wangye..."

Si Shang Chen, si Clan Head Wang Hong at ang iba pa ay sabay-sabay na tumayo mula sa kanilang upuan.

Kilala man ang angkan ng Wang na isa sa Apat na Magigiting na Angkan, pero kung ihahambing sa malakas na opisyal na nakaatas na magbantay sa timog ng kaharian, sila pa rin ay nagkukulang.

Kahit kailan o kahit saan, ang mga namumuno sa militar ay ang laging may malalakas na salita.

"Ah! Master Zhang, nandito ka nga..."

Habang hinahawi sila palayo, hindi niya pinansin ang respetadong si Elder Shang Chen at ang iba pa at tiningnan ang paligid. Bigla siyang may nakitang pamilyar na tao at nagagalak na nagmadaling lumapit kay Zhang Xuan.

"Bakit ka nandito?"

Sumimangot si Zhang Xuan.

[Sinabi ni Master Lu Chen sayo na mag-aral ka sakin, pero... hindi mo kailangang masyadong maging masunurin at pumunta rito!]

"Aalis ang tatay ko pag natapos na siya sa kanyang gawain, kaya hindi ako maaaring magtagal sa kapitolyo. Kung kaya't kailangan kong lubusin ang oras para matuto kay master para makapasa ako sa pagsusulit!" Paliwanag ni Bai Xun.

"Master?"

"Paano niya nakilala si Bai Xun xiao wangye? Higit pa rito, mukhang malapit sila sa isa't-isa? Hindi ba isa siyang guro? Bakit niya ito tinawag na master?"

Nang makita na nandito nga si Bai Xun para hanapin si Zhang Xuan at silang dalawa ay mukhang malapit sa isa't-isa, natunganga na nman ang lahat.

[Anong nangyayari?

Kilala nga nila ang isa't-isa…

Hindi ba si Zhang Xuan ay isang guro?

Master... anong ibig-sabihin nito?

Higit pa rito... Zhang Xuan, anong meron sa pag-uugali mo? Hindi mo ba napapansin na maging si Elder Shang at si Clan Head Wang ay yumuko nang nakita ang batang wangye? Hindi lang sa hindi ka yumuko, sumimangot ka pa. Simangot mo mukha mo... sinong nagbigay sa'yo ng tapang na 'yan?]

"Walanghiya ka!" Hindi na ito napigilan ni Elder Shang Chen. Lumapit siya na may nakakatakot na aura. "Zhang Xuan, paano mo nagagawang magsalita sa batang wangye nang ganito? Dalian mo, yumuko ka at magbigay-galang sa kanya! Ang isipin na wala kang kaalam-alam sa tamang-asal kahit na isa kang guro. Kulang ka talaga sa pakikiangkop, isa ka talagang kahihiyan!"

Matapos noon, nang may mukhang puno ng ngiti, lumingon siya kay Bai Xun, "Bai xiao wangye, huwag kang magalit. Ang Zhang Xuan na ito ay mahina, bukod pa sa pagiging lalampa-lampa, siya rin ay walang alam sa tamang-asal..."

Bago pa siya matapos magsalita, nakita niyang nagsalubong ang kilay ni Bai xiao wangye. Isang malamig na aura ang lumitaw sa kanyang mata at nagmistula siyang isang leon na nakatayo ang balahibo, naghahandang umatake.

"Sino ka ba? Lumayas ka sa harap ko! Kung pagbabasehan ang awtoridad, si Master Zhang Xuan ay nabibilang sa henerasyon ng aking lolo, ngunit ang lakas ng loob mo na sabihin ang mga salitang iyan! Gusto mo bang mamatay?"

"Lolo?"

Gudong!

Bumagsak na naman sa lapag ang lahat.

[Ano ba itong katawagang ito?

Ang tatay ni Bai xiao wangye ay si Zhennan Wang, na isang kaibigan ni Emperor Shen Zhui... pero sinasabi mo na ang kanyang awtoridad ay katulad ng sa iyong lolo. Ibig-sabihin ba nito na mas mataas oa ang kanyang katayuan kaysa kay Emperor Shen Zhui?]

Si Elder Shang Chen, na kanina lang ay nagyayabang, ay nangatog nang walang-tigil, at muntik nang himatayin sa pagkagulat.

[Anong nangyayari?

Anong nangyayari dito...]

Lalo na para kela Shang Bin at Cao Xiong, naramdaman nilang dalawa na parang nababaliw na sila. Habang binubunot ang kanilang mga buhok, ang kanilang mga mata ay tila malalaglag na kahit anong oras.

Si Elder Mo, na nanonood sa mga nangyayari na kanina pa kalmado, ay nakaramdam ng sakit sa kanyang baba. Lingid sa kanyang alam ay napunit niya ang kanyang balbas.

"Tama! Si Lolo Zhang ay isang master painter ng isang panahon, at ang kanyang lakas ay nasa puntong kahit na tatlo ako ay hindi kayang tumapat sa kanya. Ngunit, ang lakas ng loob mo na sabihan siyang walanghiya at mahina? Ano to, sawa ka na siguro sa buhay mo! O hindi kaya naghahanap ka ng makakalaban? Bai Yang!"

Sinenyasan niyang lumapit ang kanyang kasama.

"Ang iyong mapagkumbabang tagasunod ay nandito!" Agad-agad, isang lalaki ang lumapit mula a kanyang likod.

"Sampalin mo siya!" Utos ni Bai Xun.

"Masusunod!"

Hindi kapansin-pansin ang lalaki noong siya ay lumapit. Subalit, sa oras na ito, nang itaas niya ang kanyang mga talukap, sa isang iglap ay umapaw ang mabangis na aura mula sa kanya.

Maaaring parehas siya ng cultivation realm kay Elder Shang Chen, parehas silang sa Pixue realm, ngunit ang kanyang aura ay higit na malakas kumpara kay Elder Shang Chen.

"Supreme soldier!"

Bumilis ang tibok ng puso ng lahat.

Nahuhubog lamang ang ganitong mabangis na aura mula sa mga maraming delikadong sitwasyon. Ang mga sundalong nagtataglay ng ganitong aura ay tinatawag na supreme soldier. Bawat isa sa kanila ay nagtataglay ng hindi natitinag at kahanga-hangang lakas, may kakayahang makipaglaban sa mga may mas mataas na cultivation realm kaysa sa kanila.

Matapos matakot ang lahat dahil sa kanyang mabangis na aura, ang lalaking iyon, si Bai Yang, ay sumugod paharap. Sa isang iglap, sumulpot siya sa harap ni Elder Shang Chen at sinampal ito.

Pah!

Isang malutong na tunog ang umalingawngaw sa pasilyo. Bago pa makagalaw si Elder Shang Chen, siya ay umikot na parang isang trumpo, umikot muna bago bumagsak sa lapag. Bumuhos ang dugo mula sa kanyang bibig at ang kanyang mga ngipin ay matatagpuan sa nagkalat na dugo.

"Ikaw..."

Habang tinitikas niya ang kanyang katawan, nasa bingit na ng pagwawala si Elder Shang Chen.

Bilang isang elder ng Hongtian Academy, isang Pixue realm expert, ang maisip na masasampal siya sa harap ng lahat…

Subalit... wala siyang magagawa tungkol dito kahit na siya ay galit na galit na! Dahil ang katapat niya ay ang nag-iisang anak ni Zhennan Wang, si Bai xiao wangye. Kung mangangahas siya na gumawa ng kahit ano dito, tiyak na pupunta doon si Zhennan Wang para patayin siya at sisirain nito ang paaralan!

Hindi naman sa hindi pa niya ito nagagawa noon.

Noon, isang taong may malaking impluwensiya tulad ng Wang clan ay pumunta upang maghanap ng away kay Bai xiao wangye at nasugatan ito. Nagalit nito si Zhennan Wang at dinala niya ang kanyang hukbo sa lugar nila at pinatay sila at sinira ang kanilang tahanan. Sa huli, hindi lamang siya kinastigo ni Emperor Shen Zhui dahil sa insidente, binigyan din niya ng titulong xiao wangye ang kanyang anak bilang pampalubag-loob.

Kung hindi, kahit na siya ang nag-iisang tigapagmana ng kanyang pamilya, hindi siya nararapat na matawag na xiao wangye.

"Kasalanan ito lahat ni Zhang Xuan..." Habang lalo niya itong naiisip, lalo siyang nagagalit. Naibuntong lang niya ang kanyang galit kay Zhang Xuan at hindi siya naglakas-loob na ibuntong ito kay Bai Xun.

Kung hindi lang dahil sa taong ito, paano siya mapapahiya nang ganito?

"Bakit, hindi ka ba nasiyahan sa ginawa ko?"

Nang makita na namumutla siya, itinaas ni Bai Xun ang kanyang kilay at mapagmataas na nagtanong.

"Hindi ako maglalakas ng loob!" Nagdurugo ang puso ni Elder Shang Chen, ngunit inilabas na lamang niya ang mga salita nang nagngingingitan ang mga ngipin.

"Mas makabubuti sa iyo kung hindi ka maglalakas-loob. Hayaan mong sabihin ko sa'yo, sa totoo lang inililigtas kita. Kung ang aking Grandpa Zhang ay ang mismong gagalaw at kung mabigo siyang kontrolin ang kanyang lakas nang tama, malamang patay ka na ngayon!" Dahil dito, naalala ni Bai Xun ang laban nila noong gabing iyon at ang kanyang katawan ay nanginig nang di niya namamalayan.

Totoo ang kanyang sinabi. [Ang Master Zhang na ito, sa katawan pa lamang niya, mayroon na siyang lakas na higit sa 40 ding. Mas malala dito ay hindi niya makontrol ang kanyang lakas. Wala man siyang maramdaman kung sasampalin ka niya, pero patay ka na non...]