Chereads / Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 64 - Trust Level

Chapter 64 - Trust Level

Kapag ang isang guro ay napatalsik sa paaralan, kahit papano, maaari pa din siyang maging guro. Kahit na hindi sa Hongtian Academy, pwede pa din siya magturo sa ibang akademya.

Sa kabilang banda, kapag napawalang bisa ang lisensya ng isang guro, para na din siyang tinanggalan ng pagkakakilanlan. Kahit saan sila magpunta, mananatili itong mantsya sa kanilang buhay at sila'y magdurusa sa pangungutya ng lahat!

Iyon ang dahilan kung bakit inimbitahan ni Elder Shang Chen si Elder Mo Xiang na isang miyembro ng Teacher Guild. Dahil kahit na siya ang namumuno sa Education Bureau ng Hongtian Academy, wala siyang kapangyarihan na tanggalan ng lisensya ang isang guro. Yun nga lang, hindi niya inaasahan na... bago pa man nila mapag-usapan ang tungkol dito, iminungkahi na agad ito ng taong 'to!

At higit sa lahat, ang pagdagdag ng isang daang God Slaying Flog bilang parusa...

Ang God Slaying Flog ay isang di-pangkaraniwang bagay na gawa lamang sa loob ng Tianxuan Kingdom. Mapupunit ang laman ng sinumang mahampas nito at makakaramdam ng matinding sakit. Kahit gaano pa kalakas ang isang tao, madalas halos patay na sila pagkatapos ng parusa.

[Kulang pa ba para sayo ang mga parusa, o gusto mo na lang talagang mamatay?]

Nakatingin ang lahat ng tao kay Zhang Xuan na para bang isa siyang mangmang.

"Zhang Xuan laoshi..."

Sa likuran, muntik nang himatayin si Shen Bi Ru laoshi.

[Hindi mo ba talaga makita na patibong lang 'to ni Shang Bin at Cao Xiong para lang sayo? Hinihintay lang nila na kagatin mo ang pain nila. Sa totoo lang, masaklap na ang mapatalsik ka mula sa paaralang 'to. Pero, bukod sa pinapahirapan mo ang sarili mo, pinalala mo pa lalo ang sitwasyon mo. Nababaliw ka na ba talaga...]

"Huwag kang maninisi ng iba dahil ikaw ang nagdala sa sarili mo sa ganitong sitwasyon!" Pagkatapos niyang magsalita, tumingin si Cao Xiong kay Shang Chen, na nakatayo sa gitna ng mga tao. "Elder Shang, sumasang-ayon po ako sa mungkahi ni Zhang laoshi. Sana mapagbigyan ng akademya ang aming pakiusap."

Pagkakitang sumang-ayon si Cao Xiong, nahampas ni Liu Yang ang kanyang noo at napatingin kay Cao Xiong ng may awa sa kanyang mga mata.

[Ang sama talaga ni Zhang laoshi!

Nagpapanggap siya na may kasalanan siya para makampante ang kalaban niya. Pagkatapos, gagamitin niya ang sitwasyon para mapalala pa ang parusa. Malamang, hindi alam ni Cao Xiong laoshi na hinahatid na siya ni Zhang Xuan sa kamatayan niya!]

"Mabuti na lang siya ang naging teacher ko. Dahil kung hindi, patay na siguro ako..."

Nang maalala niya na muntik na siyang maging estudyante nitong si Cao laoshi, nanginig si Liu Yang at napaatras.

"Un, sige kung ganun. Dahil nagkasundo ang magkabilang partido sa mga kondisyon, simulan na natin ang paghahatol!" Tumango si Elder Shang Chen. Dalawang bolang kristal, na kasing laki ng pakwan, ang dinala at inilagay sa pedestal. Malinaw ang mga ito at naglalabas ng maiinit na liwanag.

"Ito'y mga bolang kristal na gawa sa [Will Inquisition Stone]. Zhang Xuan at Cao Xiong, kayong dalawa ay magpapatak ng inyong dugo sa isa sa mga ito! At pagkatapos, ay hahawakan ni Liu Yang ang mga ito at ipapakita nito ang tunay niyang iniisip sa pamamagitan ng [Trust Level]! Kung sino man ang may mas mataas na trust level ang siyang panalo! May mga katanungan pa ba kayo?"

Tanong ni Elder Shang Chen.

"Wala na po!"

Tumango sina Zhang Xuan at Cao Xiong.

Ang Enlightenment Will Trial ay isa lamang simpleng proseso. Ginagamit dito ang Will Inquisition Stone para makita ang saloobin ng isang estudyante. Kung sino man ang guro na mas pinagkakatiwalaan ng estudyante, siya ang mananalo.

Simple lang ang patakaran nito, pero ang Will Inquisition Stone ay isang mamahaling gamit, at bihira lang din ito. Higit pa dito, isang beses lang ito pwedeng gamitin. Kaya naman, hangga't hindi ito kailangan, hindi ito ginagamit ng akademya ang mga ito.

Pagdating naman sa gastos na kinakailangan ng prosesong ito, sasagutin ito ng matatalong partido.

Sa mga mata ni Cao Xiong at ng lahat, si Zhang Xuan ay isa lamang inutil na basura na nakakuha ng zero sa Teacher Qualification Examination. Papanong si Liu Yang, na kabilang sa mga pinaka magagaling na estudyante, ay kusang loob na naging estudyante niya?

Nakatakda siyang matalo sa oras na magsimula ang paghuhukom!

Hindi lamang siya mapapatalsik sa akademya, mawawalan din siya ng pera at lalong masisira ang reputasyon niya. Para kang pumatay ng talong ibon gamit ang isang bato.

"Magsimula na tayo!"

Nang makita niyang hindi tumututol ang dalawa, ikinumpas ni Elder Shang Chen ang kanyang kamay.

Lumapit sa bolang kristal sina Zhang Xuan at Cao Xiong at nagpatak ng kanilang dugo sa mga ito.

Umilaw ang mga Will Inquisition Crystal Ball at lumitaw ang kanilang mga mukha sa mga ito.

"Simulan na!" Sabi ni Elder Shang Chen.

Lumapit si Liu Yang sa mga ito at hinawakan ang dalawang bola.

Weng!

Biglang umilaw ang mga bolang kristal at binalutan siya ng liwanag ng mga ito.

"Ang Will Inquisition Stone ay may kakayahang manghipnotismo ng tao. Sa sandaling mahawakan to ng isang tao, mapapadpad ang taong iyon sa isang illusory realm. Doon, lahat ng kilos ng isang tao ay resulta ng mga tunay niyang nararamdaman, at walang kahit anong bagay ang makakaapekto dito. Kung ang tao ay napilitan lamang na maging estudyante ng isang guro, bukod sa wala siyang tiwala sa kanyang guro, maaaring magkaroon din siya ng galit sa kanyang guro! Dahil dito, ang Enlightenment Will Trial ang pinaka-wasto at epektibong paraan para malaman kung napilitan lang ba o kusang sumama ang estudyante sa isang guro!"

Marahang sinabi ito ni Elder Mo Xiang habang nakatingin kay Liu Yang na nakapikit ang mga mata at nakapasok na sa illusory realm.

"Totoo, ang trust level ang kumakatawan sa tiwala ng estudyante sa kanyang guro, at ang pinaka-mataas na puntos na pwedeng makuha dito ay isang-daang puntos. Ang bawat sampung puntos ay isang hangganan at ang zero naman ay nangangahulugan na walang tiwala ang estudyante sa kanyang guro! Ang sampung puntos ay mababaw na pagtitiwala, dalawampu naman ang karaniwang lebel ng pagtitiwala... Ang relasyon sa pagitan ng isang guro at estudyante ay karaniwang nasa tatlumpu. Mayroong mga nakakamanghang mga guro na kayang paabutin ang pagtitiwala ng kanilang mga estudyante sa limampu. Ito ay itinuturing na kagila-gilalas na resulta, at bihira lang itong mangyari, kahit sa buong Tianxuan Kingdom! Kung sabagay, ang tiwala ng isang bata sa kanilang mga magulang ay umaabot lamang sa animnapu!"

Ang pagpapaptuloy ni Elder Shang Chen habang hinahaplos ang kanyang balbas.

Ang pinag-uusapan ng dalawa, ay tungkol sa mga konsepto sa likod ng Enlightenment Will Trial.

Ang mga tao ay may kakayahang mag-isip at bawat isa sa kanila ay may sariling pag-iisip. Hindi madaling gawin ang magtiwala sa iba.

Kahit ang sariling mga magulang, na nakasama ng isang tao sa kanyang paglaki, ay hindi umaabot sa isang-daang puntos ang pagtitiwala!

Lalo na kung isa ka lang guro.

Sa pamamagitan lamang ng matagal na pagsasama mapapataas ang lebel ng pagtitiwala.

Pero, dalawang araw pa lamang ang nakalilipas nang magsimula ang pasukan. Higit pa dito, dahil sa pangit ang reputasyon ni Zhang Xuan, papanong magtitiwala sa kanya ang kanyang mga estudyante?

Kitang kita ito kahit na hindi ito pag-isipang maigi.

"Tama, Elder Mo, narinig kong isa sa mga kailangan para maging isang master teacher ay ang lebel ng pagtitiwala ng estudyante, maaari ko bang malaman kung totoo ito?"

Pagkatapos ipaliwanag ang proseso, naalala ni Elder Shang Chen ang tungkol sa isang bagay at hindi na niya mapigilang itanong ito.

Ang mga guro ay nahahati sa low-level, intermediate-level at high-level. Si Zhang Xuan ay kabilang sa mababang uri, ang low-level, habang si Shen Bi Ru at Shang Bin naman ay nakamit na ang ranking na high-level.

Karamihan ng mga guro ay nagtatapos lamang sa pagiging high-level teacher.

Ang dalawang sikat na guro sa Hongtian Academy na sila Lu Xun at Wang Chao, ay nasa ganitong lebel din.

Subalit, ang mga master teacher ay mas mataas kaysa sa mga high-level teacher!

Ang mga master teacher ay hindi lamang sikat dahil sa kanilang reputasyon, may kanya-kanya silang opinyon tungkol sa cultivation. Maaari lamang lumakas ang isang tao sa ilalim ng pagtuturo ng ganitong teacher, dahilan para maging bayani sila ng isang lugar.

Si Emperor Shen Zhui ay hindi anak ng reyna o kaya ang panganay na anak. Ang totoo, imposibleng maipasa sa kanya ang korona. Ngunit, sinasabing noong kabataan niya, nag-aral siya sa ilalim ng isang master teacher ng ilang araw, kaya siya lumakas, at siya ang naging pinakamalakas sa batang henerasyon. Di kalaunan, siya ang naging numero unong expert sa royal family, dahilan para makuha niya ang trono para mas mapaunlad ang bansa!

Pangarap ng halos lahat ng tao ang makapag-aral sa ilalim ng isang master teacher!

Ang mga guro ay maituturing lamang na isa sa mga mababang katungkulan sa Upper Nine Paths. Subalit, kapag ang isang teacher ay naging master teacher, kahit ang mga kilalang katungkulan sa ilalim ng Upper Nine Paths, ay walang dudang, isa sa mga mataas na katungkulan.

Lalong lalo na, dahil sa nakakatakot nitong kakayahan na matawag ang pansin ng mga tao. Kahit ang mga kilalang larangan katulad ng apothecary, blacksmith, formation masters... ay walang laban sa mga ito!

Ang mga guro ay may di-mabilang na estudyante sa buong mundo. At ito ay higit na totoo para sa mga master teacher. Posibleng ang mga kilalang expert ay estudyante ng isang master teacher. Sa sandaling may mangyari, madaming tao ang tutugon sa kanila, hanggang sa puntong kahit mga awtoridad ay ayaw silang makalaban.

Sinasabing may isang emperador ng isang malaking kaharian ang nakaalitan ng isang master teacher noon. Sa isang tawag lang ng guro, madaming Fighter 8-dan Zongshi realm expert ang sumugod sa kanila at wala pang kalahating araw, nasira ang buong kaharian. Inubos ang buong angkan ng emperador, at walang tinira na kahit isa sa kanyang lahi.

At ito ang dahilan kung bakit walang gustong makabangga ang isang master teacher!

Sinong nakakaalam kung ilan ang estudyante niya? Sinong nakakaalam kung gaano kadami ang mga expert sa mga iyon?

Ang makaalitan sila ay katumbas ng paggambala sa pugad ng mga bubuyog. Kahit na hindi ka mamatay, malulumpo ka naman!

At syempre, ang titulo ng isang master teacher ay mahirap makuha. Madaming kailangan at kondisyon para dito, at ang makuha ang tiwala ng isang estudyante ay isa sa mga ito.