Chereads / Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 52 - Halos Maiyak na Si Master Lu Chen

Chapter 52 - Halos Maiyak na Si Master Lu Chen

"Ah?"

Nabigla si Zhang Xuan.

Hindi umikot ng ganun kabilis, at lalong hindi siya masyadong gumamit ng lakas. Bakit tumalsik palikod si Master Lu Chen?

Posible kayang gusto lang niyang tumalon-talon?

"Master…"

Nagmadali siyang lumapit para tulungan si Master Lu Chen. Inilagay ang kanyang kamay sa likod ni Master Lu Chen para alalayan siya.

"Ayos lang ako…"

Sou!

Bago pa man siya makapagsalita, pakiramdam ni Master Lu Chen ay gumaan ang buong katawan niya at tumalsik siya paharap. Tumama ang ulo niya sa isa pang bookshelf, dahilan para matabunan siya ng mga libro.

"Ano…"

Halos maluha na ang master dahil sa nangyayari.

[Pinaglalaruan mo ba ako? Kailangan mo bang gumamit ng sobrang lakas sa pagtulong sakin?]

"Master…"

Nang makita niya ang itsura ni Master Lu Chen, muling sumugod si Zhang Xuan para tulungan siya. Nang makita niya ang nangyari, nagmadaling tumayo si Master Lu Chen at sinabing, "Ikaw… Huwag kang lalapit. Kaya ko na 'tong mag-isa!"

"Keng…"

Napahinto na lang si Zhang Xuan. Kumurap ang mga mata ni Zhang Xuan habang nagtataka siyang nakatingin sa matanda sa harapan niya. Hindi niya mapigilang itanong ang tanong na kanina pa nasa isipan niya, "Master, gusto mo lang ba talagang tumalon-talon?"

"Gusto lang tumalon-talon…" Halos umiyak na si Master Lu Chen sa narinig niya.

[Ano kamo, ikaw ang may gustong tumalon-talon! Yung buong pamilya mo gustong tumalon-talon!

Isa akong master sa pagpipinta, isang eleganteng tao. Sa tingin mo ba bagot na bagot na ako para gustuhin kong tumalon-talon sa paligid? Isa pa, kahit na gustuhin kong maglaro, hindi ako dito maglalaro! Ang koleksyon ko ng mga libro, ang mga kayamanan ko, ay nandito…]

Nakaramdam ng pagkainis si Master Lu Chen, na naging dahilan para kapusin siya ng hininga.

"Bakit? Naninikip ba ang dibdib mo?"

Lumapit si Zhang Xuan para tulungan siya, at pinukpok niya ang likod ng matanda para humupa ang paninikip ng dibdib niya.

"Hindi…"

Peng!

Bago pa man matapos ni Master Lu Chen ang mga sasabihin niya, tumama na ang kamao ni Zhang Xuan sa likod niya, dahilan para maningkit ang mga mata niya. Sou! Tumalsik siya at sumalpok siya sa pader, dahilan para magkaroon ng malaking butas ito.

"Master…"

Nang makita niyang sumugod papunta sa pader ang matanda, napakamot na lang ng ulo si Zhang Xuan dahil sa sobrang pagtataka.

[Ano bang ginagawa ng master na 'to?

Kanina lang tumalon siya patalikod tapos paharap naman, may epilepsy ba siya?]

Kung sinusumpong siya ng epilepsy, hindi pwedeng ipagwalang bahala ni Zhang Xuan ang kanyang sitwasyon. Nagmadali siyang puntahan si Lu Chen para tulungan siya uli na makatayo.

"Huwag kang lalapit sakin…"

Pinunasan ni Master Wu Chen ang dugo sa kanyang mga labi at nagmadali siyang tumayo. Tumingin siya sa binatang nasa harap niya na para bang nakatingin siya sa isang halimaw, at tila maiiyak na siya ano mang oras.

[Nakaramdam lang ako ng inis, hindi ako naghahanap ng ikamamatay ko! Yung pagpukpok mo… Aiyo, ang mga braso ko, ang mga binti ko…]

"Master, anong nangyayari?"

Napatanong si Zhang Xuan nang makita niya ang kalagayan ni Master Lu Chen.

[Kanina lang parang matanda na talaga ang inaasal mo, kaya bakit bigla kang nagtatatalon sa buong lugar? Ano bang binabalak mong gawin?]

"Ano kamong nangyayari?" Takot na takot na tumingin sa kanya si Master Lu Chen at nagsimulang tumulo ang luha mula sa mga mata ng master.

[Hindi mo alam kung anong nangyayari?

Dahil akala ko na baka nabaliw ka na, pinuntahan kita para paalalahanan ka. Tapos, pag-ikot mo, pinatalsik mo 'ko. Pagkatapos, lumapit ka sakin para itulak ako. Ang pinaka huli ang pinaka malala sa lahat, pinukpok mo ang likod ko. Kung hindi dahil sa cultivation na taglay ko, baka patay na ako ngayon… Tapos, tatanungin mo ako kung anong nangyayari?]

Bago pa man magwala si Master Lu Chen, nakita niya ang pagtataka sa itsura ng binata at mukhang hindi naman siya nagsisinungaling. Bigla siyang may naisip at may naalala siyang isang bagay. Puno ng pagdududa ang kanyang mga mata, at nagtanong siya, "Ikaw… Posible bang tumaas ang iyong cultivation?"

"Tama!"

Tumango si Zhang Xuan.

Ang matutunan niya ang Heaven's Path Golden Body ay maituturing na isang uri ng pag-unlad!

"Pero… Kahit na umangat pa ang lebel niya, imposibleng lumkas agad siya ng ganun kadali…"

Natuklasan ni Master Lu Chen kung anong nangyayari, ngunit hindi pa rin siya makapaniwala.

May ilang mga tao na gumamit ng espesyal na paraan para mapabilis ang pagtaas ng kanilang cultivation. Pagkatapos ng biglaang paglakas nila, hindi makasabay agad ang kanilang katawan sa pagbabago ng lakas nila, dahilan para hindi nila makontrol ang kanilang lakas. Ang kanilang normal na paggamit ng lakas ay nagiging isang buong lakas na pag-atake sa paningin ng iba.

Kapag ang isang taong nagtataglay ng 100kg ng lakas ay gumamit ng sampung porsyento ng kanilang lakas, ito ay magiging 10kg lamang. Sa pamamagitan ng ganitong lakas, magagawa nilang buhatin ang mga tasa at iba pang gamit ng walang kahirap-hirap. Pero, kapag ang isang tao ay ginamit ang parehong porsyento ng lakas sa pagbuhat ng isang tasa pagkatapos na umangat sa 10000kg ang kanyang lakas, ang matinding lakas na 1000kg ay hindi kakayanin ng tasa at tiyak na masisira ito!

Malaki ang posibilidad na ganito ang kaso ni Zhang Xuan. Dahil hindi alam ni Zhang Xuan na tumaas ng sobra-sobra ang kanyang lakas, natural lang na hindi kayanin ni Master Lu Chen ang kanyang lakas kapag ginagamit niya ang ratio ng kanyang lakas.

Nabasa na niya ang ganitong kundisyon sa mga libro noon, at mangangailangan ng sapat na panahon bago masanay ang isang tao sa biglaang pagbabago ng kanyang lakas.

Noong una, akala niya alamat lang ito. Hindi niya lubos na maisip na… totoo pala ito!

Yun nga lang, hindi siya makapaniwala na lalakas ng ganito si Zhang Xuan pagkatapos lang niyang magbuklat ng mga libro at habang nangangarap siya ng gising.

Posible kayang tumaas ng ganito ang lakas niya dahil sa taimtim niyang pag-babasa? Maaaring may nabasa siya para maliwanagan ang kanyang isip, na naging dahilan para mabilis siyang makalagpas sa isang realm.

Kung ganon, ibig sabihin napakamalas niya lang talaga.

"Sumunod ka sakin sa lounge!"

Kahit na may mga padududa siya sa kanyang isipan, hindi na nagsalita pa si Master Lu Chen at sa halip, pinangunahan niya ang daan pabalik sa lounge.

Madali lang malaman kung ang sitwasyon ay kagaya ng inaasahan niya. Kailangan lang niyang makahanap ng isang Strength Measuring Rock Pillar para masubukan ni Zhang Xuan ang kanyang lakas.

Dahil naghahanap ng mga Fighter 6-dan cultivation technique ang binatang ito, siguradong hindi pa siya nakakalagpas sa Pixue realm. Dahil hindu pa siya nakaabot sa Fighter 6-dan, bilang isang Fighter 5-dan pinnacle, may lakas lamang siyang aabot sa 4 ding.

Kung hihigit pa dito ang kanyang lakas, ibig sabihin lang nito na malaki ang pinagbago niya.

Kung ganun, madaling maipapaliwanag ang nangyari kanina.

...….

Sa loob ng lounge.

Hindi pa nakakaalis sila Huang Yu at Bai Xun. Nakaupo pa rin sila sa may sala habang nakatingin sa direksyon ng silid aklatan.

Nagpunta sila dito dahil may kailangan sila, pero isinama ni Master Lu Chen si Zhang Xuan pagkatapos niyang subukan ang kakayahan nito, hindi man lang sila binigyan ng pagkakataon na magsalita. Bukod pa dito, hindi tama na umalis sila nang hindi nagpapaalam, kaya naghintay na lamang sila.

"Xiao Yu, kanina lang yung… Si Master Zhang Xuan, talaga bang nakaabot na siya sa Fighter 5-dan pinnacle?"

Hindi na masama ang loob ni Bai Xun kay Zhang Xuan hindi gaya kanina. Sa kabilang banda, mararamdaman ang tuwa sa kanyang boses.

Yung totoo, hindi talaga siya interesado sa pagpipinta. Kung hindi dahil sa pamimilit sa kanya ng tatay niya, siguradong hindi siya pupunta dito!

Ang talagang gusto niya ay ang pagku-cultivate.

Nakakaramdam lang siya ng tuwa kapag nakakakilala siya ng malalakas na tao.

Mula noon, iniisip niya na isa siyang henyo. Kahit na kakalabing-walong taong gulang pa lang niya ngayong taon, nakaabot na agad siya sa Fighter 5-dan pinnacle. Walang masyadong tao ang kayang tumapat sa kanya sa capital pagdating sa bilis ng pagku-cultivate! Ngunit, hindi niya inasahan na ang isang binata na hindi gaanong matanda kaysa sa kanya ay makakaabot sa parehong realm na gaya niya!

Paanong hindi siya matutuwa dahil dito?

"Hindi din ako sigurado. Sinabi ko na sayo na pumunta lang siya sa tindahan ko para bumili ng mga libro… Wala rin akong masyadong alam tungkol sa kanya! Pero, dahil naghahanap siya ng mga cultivation technique para sa Fighter 6-dan, malamang nakaabot na siya sa Fighter 5-dan pinnacle!"

Ang sabi ni Huang Yu.

Dahil wala pang ginagawa si Zhang Xuan, hindi sila sigurado sa taglay na lakas ni Zhang Xuan. Pero, dahil naghahanap siya ng mga manual para sa 6-dan, malaki ang posibilidad na nakaabot na siya sa 5-dan pinnacle.

Kung hindi, ano pang saysay ng paghahanap niya ng ganung klaseng manual!

"Para magawa niyang maabot ang ganoong lebel sa napakabatang edad, gaano kaya siya kalakas. Susubukan ko nga mamaya…"

Ngumiti si Bai Xun.

Isa siyang battle maniac, at hindi na niya mapigilan ang kagustuhan niyang makipaglaban sa isang taong kaedad niya lamang na nakaabot na sa lebel niya.

Da da da!

Habang nag-uusap silang dalawa, may pumasok na tao sa lounge. Paglingon nila, nabigla silang dalawa.

Si Master Lu Chen, na napaka elegante kanina, ay naging napakalungkot at puno ng dugo ang kanyang mukha habang naglalakad siya.