"Gongzi, nandito ka ba para bumili ng libro o para magbasa ng libro?
Sa sandaling umapak siya sa loob ng bookstore, isang babae ang lumapit para salubungin siya.
Nasa labimpito hanggang labing walong taong gulang, ang kanyang dalisay na mukha at itsura ay kaakit-akit. Kahit na medyo may kulang pa rin sa kanya kung ikukumpara kay Shen Bi Ru Iaoshi, maituturing na natatangi ang kanyang kagandahan.
"Meron bang… mga secret manual para sa Fighter 6-dan cultivation technique dito?"
Ibinunyag ni Zhang Xuan sa kanya ang kanyang pakay.
"Fighter 6-dan cultivation technique? Nagbibiro ka yata. Ang mga secret manual ng cultivation technique na gaya nun ay malaki ang halaga, at ang isang maliit na negosyo tulad ng samin ay walang karapatan na magbenta nito... Kung gusto mo ng entrance level cultivation technique manual, mayroon kami ng iilan dito..." Umiling ang babae.
Ang mga librong ibinebenta sa tindahan ay halos naglalaman ng heograpiya ng tao, talambuhay ng mga respetadong tao at kung ano pa. Ang mga cultivation technique ay isang bagay na mahalaga sa mga cultivator, kaya paano nila papayagan na mabasa ito at maibenta ng ganun kadali?
"Kung ganon... may alam ba kayong tindahan na nagbebenta nun?" Nang makumpirma niyang hindi tinitinda dito ang mga manual, napabuntong hininga si Zhang Xuan at tumingin sa babae na tila may inaasahan.
"Nagbebenta nun?" Umiling ang babae. "Imposibleng may nagbebenta ng ganoong lebel ng cultivation technique dito sa Tianxuan Royal City. Pero... May ilang eksperto na nangongolekta ng mga secret manual. Kung mayroon kang magandang ugnayan sa kanila, posibleng payagan ka nilang makita ang mga ito!"
"Papayagan akong makita ang mga 'yon? Ayos lang kahit makita ko lang yun!" Kumislap ang mga mata ni Zhang Xuan.
Gamit ang Library of Heaven's Path, hindi na niya kailangan pang bilhin ang mga libro. Basta mahawakan lang niya ang mga libro, sa pamamagitan lang ng pagbuklat sa mga ito, ang isang libro na katulad nito ay kaagad na mabubuo sa kanyang isipan.
"May kilala ka bang matatanda na nangongolekta ng mga ganitong manual sa kanilang lugar at pumapayag na makita ito ng iba?" Hindi niya mapigilang magtanong.
"Pumapayag na makita ito ng iba?" Sumimangot ang babae at nang iiling na sana siya, nang may bigla siyang naisip at makikita sa kanyang mga mata ang katusuhan. Ngumiti siya at sinabing, "May kilala ako. Kaya lang, mejo kakaiba siya! Kapag masaya siya, ayos lang sa kanya kahit na kunin mo pa lahat ng libro sa bahay niya. Pero kapag malungkot o nagagalit siya, baka kahit ang makapasok lang sa kanyang bahay ay hindi na siya pumayag..."
"May taong ganon sa mundo?" Sumimangot si Zhang Xuan. Itinuloy niya, "Kung ganon, pwede mo ba 'kong tulungan na hanapin siya?"
"Tamang-tama at nagkataon na walang gaanong benta ngayon. Dadalhin kita doon ngayon na!" Ngumiti ang dalaga.
"Pasensya na sa abala!"
Hindi niya inaasahan na tutulungan siya ng dalaga na pumunta doon nang personal, kaya yumuko siya bilang pagtanaw ng utang na loob.
Nanguna ang babae, at naglakad na silang dalawa palabas ng bookstore.
Sa kanilang pag-uusap, nalaman ni Zhang Xuan na ang pangalan ng babae ay Huang Yu. Siya ang nagbukas ng bookstore na ito. Kung titingnan ang bookstore, mukhang bagong bukas pa lang ito, mga sampung araw pa lang ang nakakalipas.
"Sinasabi mo ba na madaming mga libro sa bahay ng taong yun?" Nang makalayo na sila, hindi napigilan ni Zhang Xuan ang magtanong.
"Natural. Ang taong iyon ay isang kilalang iskolar sa buong kaharian, at siya ay dating guro ni Emperor Shen Zhui! Isa siyang taong malayang lumabas at pumasok sa Book Collection Vault ng kaharian. Sa tingin mo ba posibleng kaunti lang ang mga libro sa kanyang bahay?" May paggalang na sinabi ni Huang Yu.
"Guro ni Emperor Shen Zhui? Ibig-sabihin, dati siyang guro ng isang emperador?" Napahinto si Zhang Xuan.
Ang kasalukuyang emperador ng Kaharian ng Tianxuan ay nagngangalang Shen Zhui. Walang nakaaalam ng tiyak na lebel ng kanyang cultivation, ang alam lang nila ay siya ang pinakamalakas na tao sa buong kaharian, hindi mapapantayan ng kahit sino!
Ang mga guro ng ganitong personalidad ay mabusising pinipili at dumadaan sa maraming proseso ng pagpili bago makumpirma ang kanilang posisyon. Kahit ang principal ng Hongtian Academy ay hindi pasado sa mga pamantayan nito!
"Siya ay ang kanyang guro sa pagpipinta at calligraphy, at hindi ang guro niya sa martial arts. Ganun pa man, siya ay isa pa ding kahanga-hangang personalidad na lubos na nirerespeto ng emperador!" Sa puntong ito, biglang naging malumanay ang mukha ni Huang Yu at binalaan niya si Zhang Xuan, "Ang matandang master na si Lu Chen ay isang eleganteng tao na strikto pagdating sa pag-uugali. Kinamumuhuian niya ang mga batang nagsasalita ng kalokohan sa harap niya. Pagdating natin dun, mabuting huwag ka muna masyadong magsalita. Kung hindi, imposible nang payagan ka niyang makita ang kanyang mga libro!"
"Un!" Tumango si Zhang Xuan.
"Saka, may mga bagay pa akong dapat gawin. Pagdating natin dun, ikaw na ang bahalang umasikaso sa panghihiram mo ng libro, huwag mo akong idamay sa problema mo!" Sinulyapan ni Huang Yu si Zhang Xuan ng kanyang magagandang mata habang siya ay nagasalita.
"Huwag kang mag-alala, hindi kita ilalagay sa alanganin!" Nang maunawaan ang ibig-sabihin niya sa mga salitang iyon, ngumiti si Zhang Xuan at sumagot.
Malaki ang pasasalamat niya sa dalaga dahil dadalhin siya nito doon. Kung kakayanin niya, magagawa niyang hiramin ang mga libro. Subalit, kung siya ay mabibigo, wala na siyang magagawa tungkol dito.
Kahit anong mangyari, isa pa rin siyang teacher. Paano naman niya magagawang ilagay sa alanganing sitwasyon ang isang dalaga?
"Mas gusto ng matanda ang mga masunurin. Kahit anong sabihin ng matanda, kailangan mo lang itango ang iyong ulo. Dapat alam mo din na ang isang dakilang iskolar na gaya niya ay konserbatibo at ang kanyang pag-iisip ay iba sa ating mga nakababata. Basta huwag ka lang makipagtalo sa kanya dito!" Pinaaalahanan na naman siya ni Huang Yu.
Naglakad silang dalawa palabas ng market. Matapos nilang madaanan ang mga nakakalitong daanan, nakarating sila sa isang bahay.
"Ito ang tahanan ng matandang si Lu Chen!" Tinuro ni Huang Yu ang bahay.
Tumingala si Zhang Xuan at tiningnan ang buong bahay. Hindi ito kasinlawak at kasing garbo kagaya ng inaasahan niya. Ito ay parang karaniwang bahay lamang at wala man lang paskil sa pinto. Kung hindi siya dinala ni Huang Yu dito, iisipin niya na ito ay bahay ng isang normal na mamamayan lamang.
[Ito ang... lugar kung saan nakatira ang taga pagsanay ng emperador?]
Hindi makapaniwala si Zhang Xuan.
"Ang matandang si Lu Chen ay may matipid na pamumuhay. Maraming beses na siyang inalok ni Emperor Shen Zhui na ipagawa ang kanyang tirahan, ngunit tinanggihan niya ang alok nito!" Nang mapansin ang kanyang pagdududa, ipinaliwanag ito ni Huang Yu.
Tumango si Zhang Xuan at tumaas ang respeto niya sa taga pagsanay ng emperador.
Kahit na mayroon siyang ganoong katungkulan, siya ay nanatiling hindi naiimpluwensiyahan at matipid at hindi nababago ng kapangyarihan. Tila ang matandang lalaking ito ay isang maramdamin at prankang tao.
Da da da da!
Nang sila ay kakatok na sa pinto, may dumating na isang kalesa. Ang tunog ng mga tumatakbong kabayo ay umalingawngaw sa buong lugar.
Jiyaaaa!
Huminto ang kalesa sa tabi ng dalawa. Isang binata ang humawi sa mga kurtina ng kalesa at lumabas.
Isa siyang labimpito hanggang labingwalong taong gulang na binata na nakaputi. Matangkad at payat, ang kanyang mukha ay pambihira, katulad ng isang puting jade. Sa isang tingin, malinaw na isa siyang tagapagmana, at nanggagaling sa kanya ang isang mapagmataas na aura.
"Xiao Yu [1]? Nandito ka din pala!"
Nang makita niya si Huang Yu, ang mata ng nakaputing gongzi ay kumislap at agad niyang kinausap ang dalaga.
"Ako si Huanh Yu, huwag mo akong bigyan ng nakakahiyang palayaw. Hindi pa naman tayo gaanong magkakilala!" Galit niyang tinikom ang kanyang labi.
"Kung titingnan ang ugnayan ng ating pamilya, hindi naman masama kung tatawagin kitang Xiao Yu. Isa pa, diba 'yun naman ang tawag ko sayo noong bata ka pa? Naparito ka din ba para bisitahin si tandang Lu Chen?" Ngumiti ang nakaputing gongzi at iwinasiwas ang kanyang balabal. Siya ay pumorma, tila pinapakita niya na siya ay nagwagi. "Hehe, huwag mong isipin masyado ang bagay na 'yon. Tiyak na iyon ay mapapasaakin!"
"Sa puntong ito, hindi natin iyan alam! Ikinatatakot ko na ikaw ay maiiyak pagkatapos!" Hindi nagpatakot si Huang Yu sa kanyang pang-aamba.
"Titingnan natin!"
Bumungisngis ang nakaputing gongzi. Sa puntong ito, napansin niya si Zhang Xuan at sumimangot, "Sino 'to? Xiao Yu, bakit ka nagsama ng tigalabas dito..."
"Kahit na sino pa ang isama ko, wala ka nang pake doon!
Tinikom ni Huang Yu ang kanyang mga labi, at hindi man lang tiningnan ang lalaki.
"Hmph. Kung sino ka man, sinasabi ko na sayo layuan mo si Xiao Yu. Hindi siya isang tao na maaari hawakan ng isang tulad mo!" Nang tinitigan niya si Zhang Xuan, kumitid ang mga mata ng nakaputing gongzi at galit niya itong sinabi.
"..."
Hindi inaasahan ni Zhang Xuan na pagbabantaan siya kahit na naparito lamang siya upang manghiram ng libro. Nakaramdam siya ng matinding kawalan ng pag-asa.
Gamit ang mga salita sa dating mundong pinagmulan niya, siya ay maswerte tulad ng isang patay na hayop.
Dinala lang naman siya ni Huang Yu dito; sila ay magkakilala lamang. [Kailangan mo ba talagang sabihin 'yan?]
Hindi natuwa si Zhang Xuan dahil sa pagbabanta sa kanya ng kung sino. Inunat niya ang kanyang likod at naglakad na lang palayo, "Masyado kang nangingialam. Paumanhin, pero sa tingin ko hindi ka na dapat nangingialam dito!"
"Sige, sana huwag mong pagsisihan ang mga sinabi mo!"
Hindi niya inasahan na ang isang lalaking hindi pa niya nakilala noon ay maglalakas-loob na magsalita sa kanya nang ganoon. Tumaas at nagsalubong ang kilay ng nakaputing gongzi. Tumalikod siya at na hindi niya pinansin ang dalawa at naglakad papunta sa harap ng bakuran upang kumatok sa pinto.
"Bakit ka masyadong nagpapadalos-dalos..."
Nang kumatok ang lalaking nakaputi sa pinto, narinig ni Zhang Xuan ang nag-aalalang boses ni Huang Yu.
"Bakit?" Tumingin sa kanya si Zhang Xuan nang may pagtataka.
"Kilala mo ba kung sino siya, para maglakas-loob kang magsalita sa kanya ng ganun?" Nang makita ang walang kamalay-malay na tingin sa mukha ni Zhang Xuan, nakaramdam si Huang Yu ng kawalan ng pag-asa.
Talagang mahirap malaman kung ang taong ito ba ay may matibay na kalooban, o sadyang may mali lang sa kanyang pag-iisip.
"Anong pake ko kung sino siya..." Nagkibit-balikat si Zhang Xuan.
[Anong kinalaman sakin ng pagkatao niya?]
"Ikaw..." Nang makita ang ekspresyon sa mukha ng binata, nagsimulang magduda si Huang Yu kung nagsama ba siya ng isang hangal. Nang makita niya sa mata nito na wala itong pake, nalaman niya agad na hindi talaga siya nababagabag sa katauhan ng taong inaway niya. Wala siyang masabi, ipinakilala na lang niya ang taong iyon kay Zhang Xuan, "Siya ang nag-iisang anak ni Zhennan Wang, si Bai Xun!"
Kilala si Zhennan Wang bilang ang nangungunang may katungkulan sa Kaharian ng Tianxuan, ang kanyang posisyon ay kasunod lamang kay Emperor Shen Zhui. Ang awayin ang kanyang anak ay nangangahulugang magiging mahirap para sa kanya na mabuhay sa Kaharian ng Tianxuan.
Noong una, inisip niya na ang pagbunyag ng katauhan ng taong iyon ay magdudulot ng takot kay Zhang Xuan at makikiusap na ito sa kanya na ayusin ang problema. Hindi tulad ng kanyang inaasahan, tumingin si Zhang Xuan na mukhang naguguluhan, "Zhennan Wang... Sino 'yon?"
------
[1] Xiao Yu -> Munting Yu (Isang pang-alagang palayaw para kay Huang Yu)