Sa silid-aralan.
Deretsong nakatingin si Mu Xueqing ng hindi man lang kumukurap.
Akala niya may sasabihin si Liu laoshi pagpasok niya, ngunit pinapasok lamang siya ni Zhang Xuan upang patayuin sa isang sulok habang patuloy siya sa pagtuturo sa iba pang mga estudyante.
"Habang nagkucultivate ka, nakakaramdam ka ba ng paninikip ng iyong dibdib sa tuwing dadaloy ang zhenqi sa iyong dibdib?"
Ang sabi ni Liu laoshi habang papalapit siya sa isang estudyante.
"Opo!" Nagulat ang estudyante noong marinig niya ang mga sinabi ni Liu laoshi, pero tumango pa rin siya.
"Ang cultivation technique na kinuha mo noong una ay ang [Tianwu Fundamental Formula]. Walang gaanong problema sa iyong cultivation technique, ngunit noong sinusubukan mo na maabot ang Zhenqi realm, pinapunta mo ang iyong zhenqi sa maling meridian, dahilan para magkaroon ng problema sa iyong katawan. Tama ba ako?"
"Tama yun..."
Ikinuyom ng binata ang kanyang kamao at tumango.