"Tawagin siyang tito?"
Sa sandaling ito, guro man o estudyante, pakiramdam ng lahat ay nasasakal sila.
Para tawagin ni Lu Xun na tito si Zhang Xuan?
Saan nanggaling yun?
Guni-guni ko lang ba yun?
Si Master Lu Chen ang guro ng emperador, at kung tatawagin ni Lu Xun na tito si Zhang Xuan, hindi ba't ganun din dapat ang gawin ni Emperador Shen Zhui?
Anong kalokohan 'to?
Noong maisip nila ito, tumingin ang lahat kay Emperador Shen Zhui, na nakaupo sa upuan ng mga VIP. Gaya ng inaasahan, hindi maganda ang itsura niya.
Para sa isang emperador, at isang lalake na nasa apatnapung taong gulang, para ituring siyang junior ng isang binatang wala pang dalawampung taong gulang… Walang sinuman ang kayang tanggapin ang ganung sitwasyon ng ganun kadali.
"Tawagin siyang… tito?"
Halos maluha na si Lu Xun.
Anong ibig mong sabihin dun?