Pagkatapos niyang tumalsik ng ilang metro, bumagsak siya ng malakas sa lupa. Nagkaroon ng malaking hukay sa lupa dahil sa pagbagsak niya.
Sa ilalim niya, nasalo ni Yuan Tao ang halos walumpung porsyento ng pwersa sa pagbagsak nila. Ngunit gayun pa man, hindi lumuwag ang hawak niya kay Lu Xun, dahilan para hindi makagalaw si Li Xun.
"Anong klaseng istilo ng pakikipaglaban yun?"
"Gusto na ba niyang mamatay? Mamamatay talaga siya sa ginagawa niya…"
"Hindi siya mamamatay. Pambihira ang depensa niya at kahit na napakalakas ni Lu laoshi, mahabang oras ang gugugulin niya para mapabitaw siya. Malinaw na makikitang, walang balak si Zhao Ya at ang iba pa na bigyan siya ng oras."
...
Nang makita nila kung paanong mahigpit na nakakapit si Yuan Tao kay Lu laoshi, na hindi man lang gumagalaw na para bang wala siyang pakialam sa buhay niya, kumibot ang mga labi ng lahat.
Dwelo lang 'to, kailangan bang umabot pa sa ganito ang lahat?