Lubhang napakagulo na sa labas. May hawak na sibat si Zheng Yang habang si Wang Ying naman ay nakahanda nang makipaglaban. Samantalang bitbit naman ni Yuan Tao ang mga mesa at upuan sa silid-aralan, at nakatingin ng masama sa tatlong matanda.
Sa pintuan ng silid-aralan, nagkalat ang tinta sa sahig. Mayroong tatlong nagngangalit na tao na basang-basa ng tinta sa may tapat ng pintuan.
Malinaw na noong papasok pa lang sila, agad silang sinabuyan ng tinta ng mga estudyante ni Zhang Xuan.
"Zhang laoshi, sila yung tatlong mga walang hiyang matanda na naninilip samin araw-araw…"
"Sa edad niyong yan nakuha niyo pa ring silipan ang mga dalaga, hindi ba kayo nahihiya?"
Agad na sinigawan ni Yuan Tao at Liu Yang ang tatlo nang makita nila na lumabas si Zhang Xuan.
Subalit, bago pa sila matapos sa pagsasalita, nakita nila na kumibot ang bibig ng karaniwang kalmado nilang Zhang laoshi, pagkatapos nanginig ang katawan niya, at tila babagsak na siya sa lupa.