Noong una, gustong sabihin ni Liu Ling kay Elder Tian ang tungkol dito, ngunit nang maalal kung paano siningitan nito ang pagsasalita niya, napagdesisyunan niya na hindi na lamang magsalita sa takot na magalit ito.
"At dahil ayos ang dalawa dito, Tian Gang, dalhin mo dito ang larawan." Pagkatapos sabihin ito, sumenyas si Elder Tian.
"Opo!"
Sandali lang, dumating si Tian Gang na may yakap na manipis na kahon.
"Ito ang larawan na niregalo sa akin ni Liu shi. Naniniwala ako na bagay dito ang salitang 'perpekto'. Kahit ilang beses kong titigan ito, hindi ko mapigilang purihin ito. Ngayon, magkakaroon kayo ng basbas na makita ang gawa ng isang kahanga-hangang master!"
Humagikhik si Elder Tian nang ilabas niya ang larawan mula sa loob ng kahon.
"Umaasa talaga ako na makakakita ako ng isang master painter na ganito kagaling bago ako mamatay at makita ang kakaiba niyang galing."