"Tian laoshi, siya ay si Zhang Xuan, isang mahusay na guro sa Hongtian Academy." Ang pagpapakilala ni Liu Ling.
Kahit hindi na siya tinturuan ni Elder Tian, hindi pa din maiwasan ni Liu Ling na tawagin siyang guro.
"Kung siya ang nagturo sa akin sa isang araw, ituturing ko siyang parang aking ama buong buhay ko."
Sa mundong ito, ang relasyon sa pagitan ng estudyante at guro ay hindi pwedeng ikompromiso. Kahit ang mga master teacher ay hindi nangangahas na suwayin ang tuntuning ito.
"Zhang Xuan?" Umiling si Elder Tian. Nagtanong siya nang may pagdududa, "Hindi ba't ang pinakamahusay na guro sa Hongtian Academy ay si Lu Xun?"