"Ako..."
Nanigas si Tian Long. Nang makita na ngumingiti ang tatlong master teacher, sa puntong nagsasaya na ito sa kanya, naguluhan si Tian Long. Gusto niyang magsalita, pero walang lumalabas sa kanyang bibig.
Bale... anong nangyayari?
Lalong naguluhan si Zhang Xuan. Matapos ang ilang araw na makita ang tatlo... bakit biglang natanga ang tatlong ito?
Kung isasantabi ang katotohanan na ako si Zhang Xuan, bakit mukhang galak na galak kayo?
Ang taong nanguha ng mga pera niyo ay si Yang shi, walang kinalaman ang bagay na iyon sa akin... Kahit na alam niyo na kung sino ako, dapat siya ang hanapin niyo hindi ako...
"Ehem, ehem, Liu shi. Hindi siya si Zhang laoshi. Siya ang apo ni Elder Tian, si Tian Long..." kaagad na sinabi ni Huang Yu, na hindi na matiis ang sitwasyon.