Chereads / Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 189 - Ang Kakaibang Paraan ng Panggagamot Kay Shen Hong (2)

Chapter 189 - Ang Kakaibang Paraan ng Panggagamot Kay Shen Hong (2)

"Shen Zhui, anong pinainom mo sakin?"

Noong maramdaman niya ang hindi makontrol na pagnanasa sa loob niya, pati na rin ang hindi mapawing init na bumubugso sa loob niya, sa wakas ay napagtanto ni Shen Hong na may mali sa kanya at galit siyang sumigaw.

"Iyon ay… aphrodisiac…"

Tapat na sumagot si Shen Zhui.

"Aphrodisiac? Titirahin ko ang lola mo…"

Nanginig si Shen Hong.

Hindi niya inakala na darating ang araw na paiinumin siya ng mismong apo niya ng aphrodisiac. Bwisit, pinaglalaruan mo ba ako?

Pakiramdam ni Shen Hong ay nababaliw na siya.

"Royal Elder, pakiusap huwag mo akong sisihin. Si Yang shi ang nagsabi na gawin ko iyon, wala akong magagawa…"

Halos maiyak na din si Emperador Shen Zhui.

Noong muntik na niyang mapatay ang Royal Elder sa pamamagitan ng pagpapainom sa kanya ng medicinal solution, may naiwang trauma sa kanyang puso. Ngayon, napagalitan siya dahil sinunod niya ang utos ni Yang shi…

Anong ginawa ko!

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS