"Patulugin siya nang hindi siya napapatay?"
Nagkatinginan sila Emperor Shen Zhui, Liu Ling at si Zheng Fei nang tila isang tandang pan anong ang lumabas sa ibabaw ng kanilang mga ulo.
Hindi ba narito siya para iligtas ang Royal Elder?
Bakit kailangan mo ng bagay para dagukan siya nang makatulog?
Hindi ba kadalaasan nilalagyan ng zhenqi, pinapainom ng gamot, at ginagamitan ng acupuncture upang magligtas ng ibang tao? Nakakatulong din ba ang pagdagok dito?
Kumirot ang mga sulok ng bibig ni Zhuang Xian. Nakaramdam siya ng paninikip sa kanyang likod at naramdaman niya na para siyang naiimpatso.
Kahit na nakainom na siya ng maraming gamot, nanatiling namamaga ang kanyang mukha. Masakit pa rin ang kanyang katawan mula sa pagkakabugbog sa kanya noong araw na iyon. Kahit na tinulungan siya ng kabilang panig na makalagpas at tunay na malaki ang kanyang utang na loob sa kanya dahil doon... hindi ba masyadong hindi naaayon ang kanyang mga pamamaraan?