Hindi pinansin ang dalawang tanga, dumiretso ai Zhang Xuan sa silid aralan.
"Guro, bumalik ka na!"
Lahat ng kanyang estudyante ay narito sa loob ng silid aralan. Pagkita na siya ay pumasok, yumuko sila.
"Mabuti, mukhang naging masipag kayo nitong mga nakaraang araw."
Tinignan niya ang mga ito at napansin niya na umangat nga ang kanilang cultivation, tumango si Zhang Xuan sa tuwa.
Sa limang araw na wala siya, ang kanyang mga estudyante ay nagkaroon ng malaking pag-unlad. Si Wang Ying, Liu Yang at Zheng Yang ay nakarating na sa Fighter 1-dan Juxi realm pinnacle.
Kahit na hindi umusas si Zhao Ya sa Juxi realm pinnacle, ang lakas niya ay higit pa sa iba. At parang malapit na siyang umabot sa Dantian realm.
Para naman kay Yuan Tao, na pinaka mahina and pundasyon sa lahat ng estudyante ni Zhang Xuan, umangat na siya mula sa Juxi realm primary stage patungo sa Juxi realm intermediate stage.