"Higit pa dito, ang pagpipinta ay nakabase sa estado ng pag-iisip ng isang tao. Kung walang masining na ideya ang isang tao, kahit na gaano pa kabuhay ang iginuhit ng isang tao, wala rin itong kwenta. Ang Dual Traversing Dragons technique ay hinahati ang isang painting sa dalawang bahagi, nagdudulot ito ng pagkakahati ng masining na ideya ng painting… Kaya naman, kahit na nagtatagpo ang dalawang bahagi na ito sa gitna, magiging mahirap na maabot ang ikatlong lebel."
Kahit na gaano pa kagaling ang koordinasyon ng kaliwa at kanang kamay ng isang tao, hinahati niya pa rin sa dalawa ang isang painting. Siguradong magkukulang ang masining na ideya nito kumpara sa painting na ginamitan ng isang kamay lang.
"Ipinagyayabang niya ang kanyang technique sa pagpipinta, pero nakalimutan niya ang orihinal na layunin ng pagpipinta. Hipokrito!" Umiling si Master Yuanyu pagkatapos niyang magpaliwanag.