"Ayos. Ayos na ang kahit ano basta hindi ka tatalikod sa mga salita mo." Humagikhik si Zhang Xuan at sumang-ayon.
"Zhang laoshi..."
Nang marinig na ginawa niya ang desisyong ito, nataranta sila Zhao Ya.
Binibiro mo ba kami?
Malaki ang inilakas nila noong mga nakaraang araw, ngunit ang talunin ang isang guro sa laban ay... imposible!
Ang kaagad na pumayag, hindi ba ito katumbas ng pag-amin ng pagkatalo?
"Dahil masyado kang kampante, gawin na kaya natin ito. Lalabanan ba nila ako sabay-sabay o isa-isa?"
Nakangiting sinabi ni Zhou Tian.
Lima lamang ang kabuoang dami ng estudyante ni Zhang Xuan. Kahit na babaan pa niya ang kanyang cultivation, wala silang laban sa kanya.
"Magsasalit-salit? Masyado kang nag-iisip. Sa lakas mo, kahit sino sa aking mga estudyante ay kaya kang talunin nang madalian!" umiling si Zhang Xuan.
"Ikaw..."
Nang makitang minamaliit siya ng kabilang panig, nagdilim ang mukha ni Zhou Tian.