Chereads / Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 147 - Maaari ba akong Matuto sa Iyo?

Chapter 147 - Maaari ba akong Matuto sa Iyo?

"Ah? Spear... Spear Intent?"

Nagbago ang mukha ni Wang Chong at muntik nang himatayin.

Totoo ba 'yan?

Paano ka nakapaglabas ng Spear Intent? Higit pa rito, isang purong Spear Intent!

Siya ay nagulintang. Nang mapansin ang nahihiyang itsura ni Zhang Xuan, halos masuka na siya ng dugo.

Nahihiya? Hiya mo mukha mo!

Kapatid, pwede bang huwag mong lokohin ang iba nang ganyan? Hindi ba sinabi mo na hindi mo pa nalalaman ang paraan ng sibat? Hindi ba ang sabi mo hindi mo alam kung ano ang mga spear art?

Nagsimula akong matuto ng paraan ng sibat mula noong ako'y walong taong gulang pa lamang at iginugol ko ang apatnapung (40) taon ng buhay ko sap ag-aaral nito. Kahit ganoon, malayo pa rin ako sa pagkamit ng Spear Intent... Maaari mo bang ipaliwanag sa akin nang maigi, anong meron sa napakatinding Spear Intent mo?

Hindi ba sinabi mo hindi mo alam kung ano ang Spear Intent? Kaya ano naman ito?

Tumulo ang mga luha sa mata ni Wang Chong.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS