Noon sa Qingyuan Empire, ang Qingtian Emperor ay bumisita sa Painter Guild na may tansong maskara sa kamay, naghahanap na matanggal ang seal sa painting na hawak niya. Sa huli, si Zhang Xuan ang siyang nakagawang makatanggal ng seal at sa ilalim nito, nagawa niyang makita ang ilusyong imahe ni Kong shi.
At para sa kanya na makakita ng mas mataas na lebel ng larawan na nagpapakita ng kaparehong kabundukan ng sa kung ano ang kanyang nakita dati… Maaari kaya na pareho ang pinapakita nilang lokasyon?
Iyon nga lang ang imahe ni Kong shi ay wala sa larawan. Sinadya ba talaga ng pintor na hindi iguhit ito o talagang hindi niya napansin ang presensya ni Kong shi? Sumimangot si Zhang Xuan.
Pinitik ang kanyang kamay, inilabas ni Zhang Xuan ang larawan na nakuha niya mula sa Qingtian Emperor at kinumpara ito sa kabundukan sa ika-siyam na lebel na larawan sa harapan niya. Talagang magkapareho ito sa isa't isa, maliban na nga lang sa lawa ng naliligong mga kababaihan.