Chereads / Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 128 - Walang Darating

Chapter 128 - Walang Darating

Pagkatapos niyang utusan ang kanyang mga estudyante na magcultivate gamit ang mga sarili nilang cultivation technique na bigay niya sa kanila at pagkatapos niyang ipaalam sa kanila na baka mawala siya ng ilang araw, umalis sa akademya si Zhang Xuan.

Nakahanap siya ng isang liblib na eskinita, at paglabas niya dun, nakapagpalit-anyo na siya bilang si Master Teacher 'Yang Xuan'.

Meron pang labing-apat na araw bago magsimula ang Frrshmen Tournament at kailangan niyang kumilos agad.

Sa ilang sandali lang, nakarating na siya agad sa mansyon. Bago siya makalapit, nakita niya agad ang dalawang guwardiya na magiting na nakabantay sa pinto. Ang kanilang lakas ay nasa Fighter 4-dan Pigu realm na.

"Hindi na masama, magaling!"

Ang dalawang guwardiya ay nakasuot ng uniporme. Hindi man ito mukhang mamahalin ngunit natatangi ang istilo nito, na nagbibigay ng imahe na sila' y guwardiya ng isang makapangyarihang angkan.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS