"Tama po kayo!" Sabi ni Song shi ng may malamig na mga titig.
"Heavenly Impartation of Mentor's Calligraphy?" Nagulat si Zhang Xuan sandali bago dahan dahang tumango.
May mga ilang detalye tungkol sa Heaven;y Impartation of Mentor's Calligraphy sa mga libro ng Qingyuan Empire Master Teacher Pavilion, kaya may onti siyang alam tungkol dito.
Ang Impartation of Heaven's Will ay isang abilidad na mapapagana lamang sa pamamagitan ng Soul Depth kapag ang mga salita na sinasambit ay nakahanay sa diwa ng mundo. Isinasailalim nito ang mga estudaynte sa isang kawalan ng malay, para makuha nila ng maayos ang kaalaman na ibinabahagi sa kanila. At kasabay nun, naglalabas din ito ng isang pangyayari na sa paligid, tulad ng pagtitipon ng espiritwal na enerhiya, para mapalago ang pag-aaral ng mga estudyante.
Kapag mas malallim at nakahanay ang nilalaman sa diwa ng mundo, mas magiging epektibo ang Impartation of Heaven's Will.