"Principal Zhang, tutulungan ka naming guluhin siya. Habang ginagawa namin yun, tumakas ka na."
Lumapit sina Wu shi at Hall Master Xing habang pinapadaloy nila ang kanilang zhenqi para maitaboy ang pwersa sa kanila, para maprotektahan ang iba pa nilang kasama.
Ano pa man ang nilalang na ito nasa kanilang harapan, masyado itong malakas. Imposibleng makatakas sila mula dito. Pero, kung gagamitin nila ang buo nilang lakas, baka, matulungan nila si Zhang Xuan na makatakas.
Malaki ang magiging papel ng talento ni Zhang Xuan sa pagpapalawig ng kakayahan ng sangkatauhan sa hinaharap, at ang isang tao na katulad niya ay hindi dapat mamatay ng ganun na lang. Kaya, ang pagligtas sa kanya ay ang huling kontribusyon nila sa sangkatauhan!