Chereads / Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 1225 - Ang Kakaibang Guro at Estudyante

Chapter 1225 - Ang Kakaibang Guro at Estudyante

"Paanong nangyari ito..."

Nang maramdaman nila ang matinding bigat na binibigay ng malaking ulo, napahinto ang lahat sa kanilang kinatatayuan. 

Nararamdaman nila na ang malaking ulo na iyon ay hindi lamang isang palabas. Ang lakas na tinataglay nito ay wala ring katapusan, at kahit na hindi pa ito kumikilos, ang matinding awra na nilalabas nito ay nagkulong na sa paligid, kaya imposible na na makatakas dito. 

"Ito ay... Leaving Aperture realm pinnacle?" Napalunok ng kanyang sariling laway si Wu shi. 

Malinaw niyang nararamdaman ang lakas ng kalaban---Leaving Aperture realm pinnacle! Imposible na makalaban sila sa isang ganito kalakas na eksperto! 

Seryosong tumango si Zhang Xuan. 

Sa Leaving Aperture realm pinnacle, si Vicious ay mas malakas kumpara sa Qingtian Emperor, at hindi pa kasama rito ang mga malalakas na pamamaraan na kanyang tinataglay. 

"Anong gagawin natin?" 

Kaagad na nataranta ang grupo. 

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS