"Magaling!"
Mabilis na ibinahagi ni Zhang Xuan ang Great Art of Inner Demons kay 'Luo Ruoxin' bago ngay ng utos, "Sige, bumalik ka sa orihinal mong anyo."
"Opo, Guro!" Lumabo ang anino ni 'Luo Ruoxin' bago bumalik sa itsura nito bilang isang iinner demon. Ang ayo nito ay puno ng mala-demonyong ere na para bang nakakagulo ng isipan kapag tinignan.
"Anong pangalan mo?" Tanong ni Zhang Xuan.
"Pangalan? Kanina lang ako nabuo mula sa iyong mga isipan, kaya wala pa akog pangalan," nahihiyang sabi ng inner demon.
"Ganoon ba? Kung ganoon, bakit hindi kita bigyan ng pangalan? Mag-iisip ako..." Saglit na nag-isip si Zhang Xuan. "Sige, tatawagin kitang Demoneh!"
"Guro, maraming salamat sa pagbibigay sa akin ng pangalan!" Natutuwang sagot ni Demoneh.
Demoneh, Demoneh... Napakagandang pakinggan ng pangalan na binigay sa kanya ng kanyang guro.
"Sige, maaari ka nang makalabas!"