Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1423 - Hindi Kinukulang sa Pera (4)

Chapter 1423 - Hindi Kinukulang sa Pera (4)

Nagsalubong ang kilay ng shopkeeper habang nakatitig sa binatilyong nasa kaniyang harapan.

Marami na siyang nakitang tulad nito. Mayroon pa ngang mga refugee na gustong bumili ng lupa ngunit wala namang pera. Lumuhod na lang ang mga ito at walang hiyang nagmakaawa. Mga istorbo, nang di nila nakuha ang kanilang gusto ay nanggulo pa.

Ang isang negosyante ay walang interes sa mga taong hindi naman siya kayang bigyan ng kita.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Sarkastikong tanong ng shopkeeper.

Sumagot naman si Jun Wu Xie: "Bumibili ng lupa."

Bakas sa mukha ng shopkeeper ang inis. Hindi siya nagsabi ng kung ano kay Jun Wu Xie, sa halip ay liningon niya ang kaniyang dalawang assistant na nakatayo lang at walang ginagawa: "Hoy kayong dalawa! Anong tinatanga-tanga niyo diyan? Hindi niyo ba kakaladkarin palabas ang baliw na ito na hindi yata alam kung ano ang sinasabi niya?! Huwag niyo siyang hayaang istorbohin ako!"

Agad namang tinupi ng dalawa ang kanilang manggas habang naglalakad palapit kay Jun Wu Xie, sa itsura nila ay talaga ngang itatapon nila si Jun Wu Xie palabas ng shop.

Nagsalubong ang mga kilay ni Jun Wu Xie habang nakatingin sa shopkeeper, pagkatapos ay sunod niyang tinignan ang dalawang assistant.

"Ano? Ayaw mong ibenta ang mga 'yan?" Nakangising tanong nui Jun Wu Xie.

Bumunghalit ng tawa ang shopkeeper at nangungutyang tinignan si Jun Wu Xie mula ulo hanggang paa.

"Bukas ang aming pinto para sa negosyo at malamang hindi kami tatangging ibenta ang mga 'yan. Pero kailangan din naming tignan kung anong klase ng tao ang pagtitindahan namin. Nagbebenta lang kami sa may mga kakayahang bumili. Ang mga katulad mo ay hindi nararapat dito."

Tinignan ito ng masama ni Jun Wu Xie.

Kasabay noon ay nakapili na sa wakas si Old Master Liu ng kaniyang bibilhing bahay sa tulong ng assistant. Lumapit ito sa shopkeeper.

Nang makita ito ng shopkeeper ang kumikinang na mga singsing ni Old Master Liu agad niyang malaking pera ito. Ngumiti ito kay Old Master Liu.

"Nakapili na ba ng lupa ang Old Master?" Ang bilis ng pagbabago ng itsura nito.

Arogante namang tumango si Old Master Liu. Itinuro nito ang dalawang assistant sa kaniyang magkabilang tabi at nagsalita: "Nakapili na ako. Sapat na siguro ito sa ngayon."

"Oo oo oo. Hindi babagay sa'yo ang ordinaryong bahay lang. Sa ngayon ay pagtiyagaan mo muna ito. Sa susunod na makahanap ako ng malaking lupain, ipapaalam ko agad sa'yo." Nakangiting saad ng shopkeeper.

Nasisiyahang tumango naman si Old Master Liu.

Habang si Jun Wu Xie naman na hindi pinansin ay masama ang tinging ipinupukol sa shopkeeper. Hinawakan siya ng dalawang assistant sa kaniyang magkabilang braso.

Naniningkit sa galit ang mga mata ni Jun Wu Xie.

At bigla nalang umalingawngaw ang ingay sa labas ng shop!

"ARRGGGGH!"

Tila baboy na kakatayin ang tunog noon at agad na kinuha ang atensyon ng mga nasa loob ng shop. Maging ang shopkeeper na abala sa pag-e-entertain sa "mamahalin" niyang kustomer ay nagulat sa ingay na iyon kaya agad niyang nilingon ang pinanggalingan ng ingay.

Nang makita niya kung ano iyon ay halos iluwa niya ang kaniyang puso sa sobrang gulat!

Nakita niya ang dalawang assistant niyang sapo ang kanilang mga siko at namimilipit dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Makikitang lumabas na mula doon ang kanilang buto at nag-uumpisa nang kumalat ang kanilang dugo sa shop!

Nanatiling nakatayo sa orihinal niyang kinatatayuan si Jun Wu Xie. Ang malamig niyang titig ay tumutusok sa kaluluwa ng gulat na gulat na shopkeeper.

"Hoy ikaw! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha!?" Galit na sigaw ng shopkeeper.