Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1065 - Exploit Its Worth (3)

Chapter 1065 - Exploit Its Worth (3)

Nang bumalik ang ulirat ni Jun Wu Xie, kakaiba ang kaniyang naramdaman sa kaniyang spirit powers. Mas maiksi ang panahong kaniyang ginugol para sa kaniyang spirit breakthrough kumpara sa nauna.

Nang kaniyang idilat ang kaniyang mata, sinalubong siya ng titig ni Jun Wu Yao. Umiwas naman siya ng tingin dito, sa halip ay tumingin siya sa labas ng bintana. Madilim na sa labas at mayroong nakasinding kandila sa loob ng silid. Ang liwanag noon ay tumatama sa mukha ni Jun Wu Yao dahilan para mas mangibabaw ang gwapo nitong mukha.

Natigilan si Jun Wu Xie sa isiping iyon at para bang hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin.

"Congrats! Isang hakbang na lang at makakamit mo na ang Purple Spirit Little Xie." Bulong ng isang baritonong boses sa bandang tenga ni Jun Wu Xie. Inipit ni Jun Wu Yao ang ilang hibla ng buhok ni Jun Wu Xie sa tenga nito.

Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ng init si Jun Wu Xie. Nagtayuan ang kaniyang balahibo ng maramdaman niya ang daliri ni Jun Wu Yao na sumayad sa kaniyang balat.

"May kakaiba ka bang nararamdaman?" Mukhang hindi naintindihan ni Jun Wu Yao kung bakit biglang nag-iba ang reaksyon ni Jun Wu Xie.

Nakangiting nagsalita ulit si Jun Wu Yao: "Natural lang iyon. Ngayong sinila mo uli ang spirit power ng Soaring Serpent ay wala siyang magagawa kundi ang isuko ang kaniyang lakas at kapangyarihan."

Isang mala-demonyong ngiti ang gumuhit sa labi ni Jun Wu Yao. Isang malaking karangalan para sa Soaring Serpent ang magbigay ng spirit power kay Jun Wu Xie.

Kung hindi lang dahil sa may pakinabang pa ang ahas na iyon, dinurog niya na sana iyon dahil sa ginawa nitong panlilinlang kay Jun Wu Xie.

Isang Spirit Beast? Nag-iilusyon na gamitin si Jun Wu Xie para sa sariling kapakanan? Gusto na siguro nitong mamatay.

"Maaari ko bang gamitin ulit ang Soaring Serpent para saking spirit breakthrough?" Tanong ni Jun Wu Xie. Ang breakthrough para siya ay makatuntong sa susunod na level ay mas naging madali para sa kaniya. Hindi niya na kailangang maghanap ng ring spirit.

"Depende iyon kung gaano na kagaling ang spirit power ng Soaring Serpent sa pamamagitan ng Spirit Tree's seed healing. Kung mabilis ang pagpapagaling sa Soaring Serpent, gagana iyon. Pero kapag hindi, hindi pwedeng sa kaniya ka lang aasa." Marahang sagot ni Jun Wu Yao. Hindi pa rin nawawaglit ang tingin nito kay Jun Wu Xie.

Ang itim na itim nitong buhok ay nakalugay hanggang sa likod nito. Kahit na nakasuot ito ng damit panlalaki, nakikita niya pa rin si Jun Wu Xie bilang babae.

Gumalaw ang adam's apple ni Jun Wu Yao at agad itong umiwas ng tingin. Hindi mabubura sa kaniyang isipan ang tunay na imahe ni Jun Wu Xie lalo na kapag tumitingin siya ng diretso sa mga mata nito.

"Kakatapos mo lang sa iyong spirit breakthrough, sigurado akong pagod ka. Nag-utos na akong maghanda ng hapunan para ihatid dito." Sabi ni Jun Wu Yao habang binuhat pababa ng kama si Jun Wu Xie.

Kakatapos lang sabihin iyon ni Jun Wu Yao nang bumukas ang pinto at iluwa non sina Ye Sha at Ye Mei na may dalang bagong lutong mga pagkain.

Nakayuko lang ang mga ito nang ilapag ang pagkain sa mesa at agad na umalis.

Related Books

Popular novel hashtag