Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 667 - Mapanganib na Lugar (2)

Chapter 667 - Mapanganib na Lugar (2)

Sa ilalim ng mga Makakapal na hamog na iyon, hindi lang ang hamog na may lason ang naroon, kundi ang mga nakakamatay na kumunoy na humihigop ng kahit na ano, pati na rin ang mga halimaw na nagkakalat sa lugar na iyon!

Ang mga malalakas at matatapang na mga halimaw na iyon ang nagdulot ng trahedya kina Mu Qian Fan at hindi papayag si Jun Wu Xie na sapitin niya ang parehong sitwasyon. Si Lord Meh Meh ang kaniyang alas sa ekspedisyong ito.

Muling naglabas si Jun Wu Xie ng nunchunk sa kaniyang Cosmos Bag. Pinaghandaan niyang mabuti ang lakad nilang ito.

Nagpatuloy sila sa paglalakad, hanggang sa kumokonti ang nunchunk na nasa Cosmos Bag ni Jun Wu Xie. Habang sila ay umaabante, napapansin nilang mas dumadami ang mga kumunoy!

Matapos ng isang buong araw na paglalakad, hindi man lang sila nakaabot ng isang kilometro.

Sa kanilang dinaanan, marami silang naengkwentrong kumunoy. At sa gilid ng butas na iyon, marami silang nakitang mga luma at sirang bagay. Natagpuan nila ang mga bagay na niluma na ng lumot tulad ng espada, at mga punit-punit na damit. Halata ngang bago pa sila naparito, marami na ang namatay sa lugar na ito. Mga hinigop ng kumunoy, at ang mga gamit sa paligid noon ay ang mga bagay na naiwan ng nagmamay-aring hinigop na ng butas.

Kumpara sa lupang puno ng mga buto ng tao o hayop, ang lupang ito na puno ng kumunoy ay mas nakakatakot. Parang bawat hakbang ay kamatayan ang naghihintay.

Maraming tao ang namatay dito na hindi man lang nakuha ang katawan. At napakasaklap isipin ng bagay na iyon.

Matindi ang kanilang pagod sa araw na ito kaya naman naghanap ang grupo nina Jun Wu Xie ng lugar kung saan sila pwedeng magpahinga. Ang black beast at si Rolly ay ginising nila at pinasama. Samantalang hindi pa pinagpapalit ng anyo ni Jun Wu Xie si Lord Meh Meh

Nakapalibot sa kanila ang napakarami ng kumunoy. Ang tunay na katawan ni Lord Meh Meh ay napakalaki at kapag nagpalit ito ng anyo, marami itong maeengkwentrong butas.

Kahit na mabagal at maingat ang kanilang paglalakad, para namang inubos ang kanilang mental at pisikal na lakas dahil sa labis na pangamba. Halos inubos ng kanilang paglalakad ang kanilang spirit powers at ngayon ay kailangan nilang magpahinga para mabawi iyon.

"Gaano katagal natin kailangang manatili dito bago natin tuluyang mapag-aralan ang lugar?" Tanong ni Qiao Chu. Ngumunguya ito ng tuyong karne ng baka habang tinanong niya iyon.

Halos ang lahat naman ay umiling. Maging sila ay hindi nila alam kung gaano pa kalayo ang kanilang lalakarin at kung gaano pa katagal nilang gugugulin iyon. Ang pangunahing hangarin ng ekspedisyong ito ay para mapag-aralan nila ang lugar. Sa ngayon, lahat sila ay buhay pa. Sa oras na ang isa sa kanila ay manganganib ang buhay, doon pa lang sila aalis sa lugar na iyon.

"Mukhang, para mahanap natin ang eksaktong lokasyon ng puntod ng Dark Emperor, kailangan talaga nating makumpleto ang walong piraso ng mapa." Napabuntong-hininga si Qiao Chu. Inakala niyang malaki na ang maitutulong ng dalawang piraso ng mapa na hawak nila. Ngunit sa katotohanan...hindi pala.

"Sa ngayon, iyan ang dapat muna nating gawin." Saad ni Hua Yao. Tumango ito bilang pagsang-ayon. May inilabas si Jun Wu Xie na purong itim na singsing. Ang spirit stone sa singsing ay umiilaw pa rin ngunit ang singsing ay nababalot ng lumot.

"Spirit ring ba iyan?" Tanong ni Fan Zhuo.

Ang spirit ring ay mukhang luma na. Ngunit nang mapunasan iyon at mawala ang lumot na bumabalot doon, naging napakakintab noon. Ngunit wala silang nararamdamang presensiya ng spirit galing sa singsing.

"Ang ring spirit na ito ay naipapanday na dati at ang ginamit na materyal ay ang Black Sliver. Ngunit ang may-ari nito ay maaaring patay na at ang ring spirit na nakaugnay dito ay nawala na rin." Saad ni Fan Zhuo habang iniinspeksyon ang singsing. Ang Spirit Reinforcement runes na nakita niya sa singsing ay bago sa kanyia. Kakaiba iyon sa tatlong klaseng kaniyang nalalaman.