Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 450 - Battle Spirits Forest (1)

Chapter 450 - Battle Spirits Forest (1)

Nakahinga ng maluwag si Fan Jin ngunit sina Qiao Chu ay hindi makapaniwala.

Natutunan nang magbiro ni Jun Xie?

Iyon ang mas hindi kapani-paniwala!

Seryoso ang batang iyon sa kaniyang sinabi at nang kaniyang sabihin na naparito siya para pumatay, talaga ngang totoo iyon at wala nang iba!

Nasaksihan ni Qiao Chu at Hua Yao ang pagsagawa ng plano ni Jun Xie, at walang kaduda-dudang tototohanin niya nga ang bawat salitang kaniyang binitawan.

Sumali ito sa Spirit Hunt at naparito ngayon...para pumatay ng mga tao.

Ngunit itinago na lang iyon ni Hua Yao at Qiao Chu sa kanilang mga sarili para hindi na mag-alala pa si Fan Jin.

Makahulugang tinignan ni Hua Yao si Rong Ruo at agad naman iyong nakuha ni Rong Ruo. Lumapit ito kay Fan Jin at nagsalita: "Kuya Fan, may mga gamit pa kaming naiwan sa branch division. Pwede ba kitang maistorbo para samahan ako sa pagkuha non? Kapag kasi nakikita ko ang mga tingin ng mga tao sa branch division..." Ang gwapong mukha ni Rong Ruo ay nagpakita ng pag-aalala nang kaniyang ilibot ang tingin sa mga nakatitig na galing ibang grupo.

Kumpiyansa sa sarili namang pinangunahan ni Fan Jin na maglakad para samahan si Rong Ruo.

Sa oras na nakalayo na si Fan Jin, tumalon si Qiao Chu palapit kay Jun Xie para magtanong: "Little Xie, gusto mong pumatay?"

Nangniningning ang mga mata ni Qiao Chu sa pagkasabik. Matapos ng maramihang pagpatay sa Qing Yun Clan kasama si Jun Xie, nahulog ang loob ni Qiao Chu sa kapana-panabik na dulot non.

Dahil sa presensiya ni Fan Jin kanina, hindi nila magawang magaya kasama si Jun Xie dahil mabait at mahinahon ang tingin ni Fan Jin kay Jun Xie. Ngunit hindi niya alam na ang batang ito ay kayang lumunok ng buhay. Marami na ang nahulog sa bitag ng batang ito at natagpuan na lang ang kanilang mga sarili na isa nang malamig na bangkay.

"Hindi ko alam." Sagot naman ni Jun Xie.

"Huh?" Hindi ko alam...Anong ibig sabihin non?

Nag-angat ng noo si Jun Wu Xie at pinaglaruan ang kaniyang daliri. "Kung sinuman ang dumating, ay siyang mamamatay."

Nahirapan siyang gumalaw sa loob ng academy, ngunit nang sila ay mapasok sa Battle Spirits Forest, nagbago ang kaniyang paligid. Kaniyang naaalala ang kaniyang napagdaanan sa loob ng academy, at ang isang masamang tingin ay bumakas sa kaniyang mga mata. Gaya ng sinabi niya, kung sino man ang kaniyang masasalubong o sasadyaing hanapin siya, ay dapat na hindi pagsisihan iyon sa huli.

Hindi na siya naglaan ng oras para hulaan kung sino ang mga nagpahirap sa kaniya. Basta't isa lang ang alam niya, at iyon ay hindi na mahalaga kung sino iyon, ang mahalaga ay kung sino man ang mangangahas na salungatin siya, ay dapat handang harapin ang kaniyang ganti at galit!

Malapad namang nakangiti si Qiao Chu at Hua Yao nang kanilang makita ang mala-demonyong ngiti na kanilang nakita noon araw na sila ay nasa Qing Yun Clan.

"Walang problema. Kung sino man ang mangangahas na maghanap ng kanilang kamatayan, ay tutuparin ang kanilang kahilingan." Pinagkiskisan ni Qiao Chu ang kaniyang dalawang palad dahil sa tuwa.

Ang mga nakalap ni Fei Yan na impormasyon ay nagsilab ng apoy sa mga puso nina Jun Xie. Kilala nila si Jun Xie, at alam nilang kakayanin nito anuman ang kaniyang maharap. Ang mga batang nag-aakusa kay Jun Xie na nagnakaw ng palayo sa Spirit Healer faculty dahil sa mababaw na dahilan? Isa iyong malaking biro!

Ngunit kung marami talaga ang humihiling ng kanilang kamatayan, malugod nilang tutuparin ang inaasam ng mga ito.

Handang-handa si Jun Xie na pumatay. At ang magdagdag ng ilan pa ay walang kaso dito.

Tumingin si Jun Wu Xie sa grupo at bahagyang tumango.

Nang makabalik si Fan Jin at Rong Ruo, umalingawngaw ang nakakabinging tunog ng tambol at ang Zephyr Academy ay hinanda ang kanilang mga sarili sa pagpasok sa Battle Spirits Forest.

Nagsama-sama na ang mga grupo habang sila ay nakikinig sa tugtog ng tambol at ang mga bandila ng Zephyr Academy ay itinaas na.

Kampante namang tumayo ang mga disipulo ng main division, taas noo at nakaangat ang dibdib. Salungat sa mga disipulo na galing branch division na laglag ang balikat.

Nang marinig ang huling pukpok sa tambol, lahat ng grupo ay nagmadaling pumasok na sa Battle Spirits Forest.

Hawak nila ang kanilang sulo at tuluyan nang nilamon ng kadiliman.

Marami sa kanila ang sabik, ngunit sino ang nakakaalam na marami sa kanila ang maililibing sa kagubatang iyon.