Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 285 - Ikalimang Sampal (7)

Chapter 285 - Ikalimang Sampal (7)

Lahat sila'y nagulantang sa mga salita ni Jun Wu Xie, kahit si Qiao Chu at Hua Yao ay nagulat.

Nang inilabas ni Ke Cang Ju ang Lone Smoke, parehas nilang itinulak ang spirit powers mula sa kanilang mga katawan at bumuo ng isang protective sheild na bumalot sa kanila. Hindi nito mapipigilan ang pagkalat ng Lone Smoke ngunit ito'y makakapagpabagal naman ng epekto nito.

Sa kabila nito, nanghina pa rin sina Qiao Chu at Hua Yao. Ang Lone Smoke na nakalampas at humaplos sa kanilang mga balat ay parang apoy na dumidila sa kanilang balat. Sa hapdi at sakit, namula ang kanilang mga balat at ito'y dahan-dahang pumasok sa kanilang mga laman-loob. Sila'y kinain ng matinding paghihirap.

Ngunit hindi si Jun Wu Xie. Walang ipinakitang bakas ng sakit ang kanyang mukha.

Ang pinagkaiba ng kanilang mga reaksyon ay nakapagtataka, ito'y ikinagulat ni Ke Cang Ju.

Bumaluktot ang ngiti ni Ke Cang Ju nang ngumiwi ang sulok ng kanyang mga bibig. Tinignan niya ng mabuti si Jun Wu Xie at naghahanap ng kahit maliit na bakas ng epekto ng lason sa kanyang katawan.

Napanghinaang ng loob si Ke Cang Ju nang walang makitang galos sa katawan ni Jun Wu Xie. Mas ikinagulat pa niya ang hindi paggamit ni Jun Wu Xie ng spiritual powers upang protektahan ang kanyang sarili. Hinayaan lamang niya ang Lone Smoke na balutin siya habang nakatitig kay Ke Cang Ju.

"Hindi maaari…" hindi makapaniwala si Ke Cang Ju.

Walang nakatakas sa Lone Smoke, maging si Qiao Chu at Hua Yao ay nanghina rito.

Ano ang meron sa batang ito at siya'y hindi tinatablan ng Lone Smoke?

"Nasa iyo ang lunas?" nanggigigil si Ke Cang Ju nang itinanong niya ito. Walang sinuman ang hindi tatablan ng Lone Smoke na mas mababa sa purple leveled spirit ng walang lunas! Sa mura niyang edad, hindi maaaring siya'y may lunas rito.

"Lunas?" iniyugyog ni Jun Wu Xie ang kanyang ulo at tumawa. Ang kanyang malamig na titig kay Ke Cang Ju ay may kasamang tuwa.

"Hindi ka talaga susuko at magtanga-tangahan? Ang mga walang kwentang bagay ay hindi makakasakit sa akin. Sumuko ka na."

Naglakad si Jun Wi Xie papunta kay Ke Cang Ju, ang berdeng usok ay nawala sa kanyang pagdaan.

Namutla si Ke Cang Ju at kanyang pinitik ang kanyang mga manggas. Lumipad ang mga itim na karayom sa direksyon ni Ju Wu Xie at sa mga pagkakataong iyon, itinaas ni Jun Wu Xie ang isa niyang kamay at mula sa kanyang mga kamay ay may lumabas na mga puting kislap na sumangga sa mga karayom na nahulog sa sahig.

"Wala ka na bang ibang kayang gawin?"

Walang ni isang karayom ang nakalalapit sa katawan ni Jun Wu Xie.

Ang bilis niya sa pagkontra ay gumulat pati kina Hua Yao at Qiao Chu na nanood ng may pagkamangha sa pagkakalma ni Jun Wu Xie.

Wala siyang ginamit na spiritual power ngunit nagawa niyang ilabas ng mga karayom ng mabilis at sakto.

Saan nanggaling ang batang ito?!

Nanghina ang loob ni Ke Cang Ju.

Ang Lone Smoke na ang pinakamalakas na armas na kanyang mailalabas ngunit ito'y walang bisa sa bata. Hindi nito matatalo ang bilis ng pilak na karayon ni Jun Wu Xie.

Nakita ni Ke Cang Ju ang pagharang sa kanyang mga karayom ng dalawang beses. Ngayo'y siya'y naniniwala na maari ngang matalo siya gamit ng mga pilak na karayom!

Siya'y nanlamig sa sarili niyang paninindigan. Naramdaman niya ang panggigipit ng responsibilidad niya bilang tagapamuno ng Hidden Cloud Peak, at nahirapan siyang huminga!

Hindi kapanipaniwala ang kakayahan ng batang ito!

Ilang taon na siya? Paano ito nangyari?!

Related Books

Popular novel hashtag