Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 262 - First Impression (1)

Chapter 262 - First Impression (1)

Tumayo si Jun Wu Xie sa kanyang kinaroroonan. Bago pa makakilos si Qiao Chu, inabot na ni Jun Wu Xie ang kamay ng disipulo ng angkan ng Qing Yun at kumapit sa pulso nito.

Sa mga sumunod na sandali, binalibag ang disipulo sa sahig!

"Walang hiya ka! Pagod ka na bang mabuhay?! Hindi palalampasin ng angkan ng Qing Yun ang kabastusan mo! Ang lakas ng loob! Hindi ka pa natatanggap!"

Sumabog ang mga sigaw at nagulat ang mga tao. Nakatutok sila sa mga ginagawa nila nang mapatahimik sila ng mga sigaw at napatitig sa kung saan nanggagaling ang mga ito.

Nang makita nila ang nangyari, lahat sila'y nagulat.

Gusto bang mamatay ng batang iyon? May lakas siya ng loob na saktan ang isang disipulo? Gusto ba talaga niyang matanggap?!

Maraming nagulat, maramung nasiyahan. Lahat ay nag-aagawan sa isang pwesto para matanggap, at para sa bawat matatanggal, mas tumaas lang ang pagkakataong matanggap ang mga naiwan.

Naisip nilang lahat, na sinayang lang ni Jun Wu Xie ang kanyang pagkakataon!

Nanigas si Qiao Chu, at tumulo ang pawis sa kanyang mukha. Tahimik lang madalas ang batang ito, at ng walang babala, pinahamak niya silang dalawa!

Sinusuri parin sila, pero nagdesisyon si Jun Xie na atakihin ang isang disipulo sa harap ng mga Tanda! Sigurado nang paaalisin sila sa bundok!

"Wala na akong pag-asa! Papatayin ako ni Brother Hua." Umiyak si Qiao Chu sa tabi ni Jun Wu Xie. Nang mapagtanto na binulabog ni Jun Wu Xie ang isang pugad ng mga putakti, naghanda si Qiao Chu na labanan ang mga disipulo. Kahit na palalayasin silang dalawa, hindi niya hahayaang mahawakan ang henyo sa kanyang tabi ng angkan ng Qing Yun.

Pagtingin sa kanyang maninipis na braso't binti, hindi makakalaban si Jun Wu Xie. Kung may mangyari mang hindi kanais-nais sa henyo, hindi lang si Brother Hua ang bubugbog sa kanya.

Hindi lang ang mga kabataan ang nanonood sa eksena, pati na rin ang mga Tanda ay tumingin kay Jun Wu Xie.

Ang Tandang may mahabang puting balbas ay sumimangot at sinabing naiinis: "Mga bata ngayon, ay wala nang respeto sa mga palatuntunan. Hindi nagkamali ang Pinakamataas na Puno, sirko nga ito!"

Madilim ang titig ni Mu Chen kay Jun Wu Xie, ngunit walang sinabi. Walang nakapansin, na nang ang tahimik na Ke Cang Ju ay umikot para tignan ang nagsimula ng kaguluhan, nangislap ang kanyang mga mata, ngunit napigilan rin agad.

Bago kumilos ang disipulo, biglaang sinabi ni Jun Wu Xie: "Spirit level orange, third stage, upper body veins and arteries congestion, lower body hollow, cold artery constricted….."

Sunod-sunod na pangalan ng mga ugat sa katawan ang bumigla sa disipulo at nanigas ang kamay niya sa ere, napanganga siya sa gulat habang nakatitig kay Jun Wu Xie.

Ang mga sinabi ni Jun Wu Xie ay ang mga pangunahing ugat na importante sa development ng spiritual powers. Bilang disipulo ng angkan ng Qing Yun, alam niya ang kondisyon ng sarili niyang mga ugat. Isang orange leveled spirit na lampas labing-dalawa ang edad ay hindi marapat sa angkan ng Qing Yun, at lagi niyang hinahabol ang pagiging mahusay sa medisina o mapalakas ang kanyang spiritual powers, ngunit ang detalyadong pagsusuri mula sa kanyang guro ang nagsabi sa kanya kung ano ang sinabi ni Jun Wu Xie!

"Paano…. paano mo nalaman?" Tinanong ng disipulong namumutla.

Binawi ni Jun Wu Xie ang kanyang kamay, pinunasan ang kanyang mga daliri bago sabihin: "Gamit ang Flame Tailed Flowers, pwede mong gamutin ang midsection para lunasin ang upper body congestion, gamitin mo ang mga dahon ng Moist Luck para magbabad sa'yong pagligo para malinis ang babang parte ng katawan, at….."

Patuloy lang si Jun Wu Xie sa pagbibigay ng solusyon at paggamot sa lahat ng kondisyon sa mga ugat ng lalaking iyon. Nang matapos siya, humakbang siya paatras, at tinitigan ang nagulat na disipulo.

Kung ang mahaba niyang pagsasalita ay narinig ng mga kabataan sa likod niya, hindi nila ito maiintindihan. Ngunit ang mga Tanda ng angkan ng Qing Yun ay maalam sa Medisina, at yung mga salitang 'yon lang ang kailangan nilang marinig para maintindihan ang ibig-sabihin ng mga salitang iyon!