Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 236 - Ikaapat na Sampal (4)

Chapter 236 - Ikaapat na Sampal (4)

Natutuwa si Drunk Lotus sa pakikipaglaban nang marinig niya ang utos ni Jun Wu Xie, dahilan para matigil siya saglit.

Ang saglit na pagtigil ni Drunk Lotus ay mas lalong nakapagpakaba sa kalaban nito ngayon.

'Bilisang tapusin ba ang sabi nito!?'

'Ang halimaw na ito ay nagpipigil pa sa lagay na 'yon?!'

Ang grupo ng mga bihasa sa pakikipaglaban na tumugon at umaasa sa pangako ng Qing Yun Clan ay nagsisisi na ngayon sa kanilang ginawa, ngunit huli na ang lahat para sa mga ito.

Tinitingala sila sa kanilang kaniya-kaniyang pinanggalingan nang maabot nila ang blue spirit level.

Kung hindi dahil sa imbitasyon ng Qing Yun Clan ay hindi sila makakarating sa malayo at maliit na kaharian ng Qi. Hindi nila inaasahan na ang paglalakbay nilang ito ang tatapos sa kanilang buhay.

Ang bagong Kingdom of Qi na naitalaga wala pang isang siglo ang nakakalipas ay nakitang mahina kumpara sa iba pang kaharian. Sa mata ng mga eksperto, ang maliit na kahariang tulad nito ay hindi papantay sa mga rehiyon at distritong kinasasakupan nito.

Ngunit dito sa maliit at mahinang kaharian nila nakita ang maliit na demonyong tatapos sa kanilang lahat!

Kahit na ito ay sabay sabay na inaatake ng sampung blue spirit user ay nagawa pa rin nito iyong labanan at patayin!

'Tao pa ba ang batang ito!?'

Hindi tao si Drunk Lotus para sa mga arogante at mababaw na ito. Kahit pa ang maawa sa mga ito ay hindi niya mahanap sa kaniyang sarili.

"Patawarin mo kami! Kung anuman ang nagawa namin, babayarin ng Qing Yun Clan iyon ng doble at higit pa! Anuman ang hilingin niyo, gagawin namin! Ako ang Elder ng Qing Yun Clan! Marami akong elixir at mga gamot!" Ang sinabi ni Jun Wu Xie na 'bilisan nang tapusin' ay mas lalong nagpaagresibo kay Drunk Lotus at alam niyang anuman ang sabihin ni Jun Wu Xie ay susunod ito!

Halata ding walang pakialam si Drunk Lotus sa galit at sasapitin niya sa Qing Yun Clan!

Sa wakas ay natutunang matakot ni Jiang Chen Qing.

Nalukot ang mukha ni Drunk Lotus at tumingin kay Jiang Chen Qing. Tumingin naman siyang muli kay Jun Wu Xie. Wala siyang alam tungkol sa mga kasunduan ng tao. Ang pumatay o ang hayaan na ang mga ito ay desisyon ng kaniyang Mistress.

Nakita ni Jiang Chen Qing na may epekto ang sinabi niya kay Drunk Lotus dahil tumigil ito para maghintay ng desisyon ni Jun Wu Xie. Agad siyang nagpatuloy. "Miss Jun, kung papalayain mo kami ngayon, dadalhin ko dito ang Sovereign para gamutin ang binti ng iyong tiyuhin!" Naalala niyang isa sa Jun Family ay lumpo.

Binuka ni Jun Wu Xie ang kaniyang bibig para sana sumagot ngunit natigil siya sa sinabi ni Jiang Chen Qing. Lalong nagsalubong ang kaniyang tingin.

"Ang binti ng tiyuhin ko ay dati nang ginamot ng inyong Sovereign."

Nag-aalangan namang sumagot si Jiang Chen Qing: "Magiging iba na ngayon! Ayaw talaga siya noong gamutin ng Sovereign. Pinapangako ko ngayon, kung papalayain mo kami sasabihin ko sa aming Sovereign at pangako, gagamutin nila ang iyong tiyuhin!"

Nagdilim ang ekspresyon sa mukha ni Jun Wu Xie. Nanatili ang nagyeyelo niyang titig sa duguang mukha ni Jiang Chen Qing.

"Drunk Lotus."

"Andito!"

"Patahimikin ko yang matandang yan."

Nanlalaki ang mga mata ni Jiang Chen Qing sa gulat habang hindi makapaiwalang nakatitig kay Jun Wu Xie. Bakit ito nagdesisyong patayin siya!?

Wala siyang maisip na dahilan, ang kaniyang sariling salita ang magdadala mismo sa kaniyang kapalaran....

Kung nanahimik lang siguro siya, marahil ay maliligtas siya. Kahit na napagdesisyunan na, na lahat sila ay mamamatay dito, ngayon.

Related Books

Popular novel hashtag