Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 177 - Handling Matters (3)

Chapter 177 - Handling Matters (3)

Gustong magtago ni Mo Xuan Fei sa sulok ngunit di niya magawa dahil siya ay nakaposas sa wheelchair.

"A..Anong kailangan mo?" Nauutal sa takot na tanong ni Mo Xuan Fei. Dahil sa nakuha sa kaniya ang kaniyang contractual spirit hindi lang siya pisikal na naghihirap kundi pati ang kaniyang kaluluwa ay parang pinunit na din. Kakawala lamang ng sakit na kaniyang dinanas ngunit nang makita niya si Jun Wu Xie, ang lahat ng kaniyang dinanas ay nanumbalik.

Saglit lamang siyang tinignan ni Jun Wu Xie pagkatapos ay lumipat sa kabilang kulungan.

Doon, isang babaeng nakasuot ng puti ang nakayakap ng mahigpit sa kaniyang tuhod. Nagsisikap itong mabuti na magtago sa sulok sabay sa panginginig nito ay ang ingay na dulot ng tuyong dayami.

Kumpara kay Mo Xuan Fei, mas higit na pinahirapan si Mo Xuan Fei kumpara dito.

Kahit na ito ay nakakulong at natanggalan ng kalayaan, binibigyan ito ng matinong pagkain at malinis na inumin ng mga guwardiya ng Rui Lin Army. Binibigyan din ito ng maligamgam na tubig panglinis ng katawan at damit na pamalit. Kahit papaano mas maayos ang itsura nito kumpara sa dalawa pang kasama nitong nakakulong.

Ang pagkakaiba sa pagtrato ay nagbigay ng pag-asa dito na baka hindi siya patayin sa huli.

Sa kabila ng pag-asang iyon, hindi siya nangahas na sumalungat kay Jun Wu Xie sa anumang aspeto.

"Ilabas niyo siya." Utos ni Jun Wu Xie sa mga guwardiya.

Binuksan ng mga guwardiya ang kulungan at dinala palabas si Bai Yun Xian. Yumuko ito---takot na tumingin ng diretso sa mga mata ni Jun Wu Xie.

Hindi niya alam kung anong binabalak nito. Wala siyang magawa kundi ang magdasal na lang na sana'y hindi siya patayin nito.

"Ilabas niyo din iyon." Utos ulit ni Jun Wu Xie na ang tinutukoy ay si Mo Xuan Fei.

Itinulak naman ng mga guwardiya ang wheelchair ni Mo Xuan Fei palabas at ang takot na takot na Emperor ay nanunuod lamang.

"Kumusta ang galing mo sa medisina sa Qing Yun Clan?" Tanong ni Jun Wu Xie sa namumutlang si Bai Yun Xian.

Napagitla si Bai Yun Xian sa gulat at takot itong sumagot kay Jun Wu Xie. Ang kaniyang kumpiyansa pagdating sa medisina ay nabasura dahil kay Jun Wu Xie.

Dahil hindi sumagot si Bai Yun Xian, inutusan niya na lamang ang mga guwardiya: "Ibuka niyo ang bibig ng Second Prince."

Walang nagawa si Mo Xuan Fei. Hindi siya nakapalag dahil nakaposas siya sa wheelchair. Pwinersa ng mga sundalo ng Rui Lin Army na buksan ang kaniyang bibig at ang tanging nagawa niya na lamang ay sumigaw sa takot.

Iniangat ni Jun Wu Xie ang kaniyang kamay at ihinulog ang black pill sa bibig ni Mo Xuan Fei, pinilit na ipalunok ito dito.

Tahimik na napalunok si Bai Yun Xian sa kaniyang napanood.

Sa mga sumunod na sandali, si Mo Xuan Fei ay parang kinokombulsyon at nangisay. Mayamaya lamang ay may nagkalat na berdeng pantal sa kaniyang mukha at nagsimula itong mamaga. Nagsimulang bumuka ang mga pamamaga at lumabas dito ang dugo at saglit lamang ay nagiging itim ito. Kumalat ang berdeng marka hanggang leeg papunta sa buong katawan nito. Ang dating matipunong Second Prince ngayon ay buhay na inaagnas. Nagpatuloy ito sa pagsigaw habang ang naagnas nitong parte ay tumutulo sa sahig. Nagdulot ito ng masangsang na amoy.

Para namang tatakasan ng katinuan si Bai Yun Xian sa kaniyang nakikita. Kung hindi dahil sa dalawang sundalong may hawak sa kaniya ay naglupasay na siya sa sahig dahil hindi niya kinakaya ang kaniyang nasasaksihan.

Parang halimaw sa kaniyang paningin ang dating makisig na Second Prince.

Sa mga oras na ito, si Mo Xuan Fei ay parang bangkay na lamang na patuloy na naaagnas.