Ang isipin pa lang na ang isang mabangis at malakas na tigreng Spirit Beast ay bubula ang bibig
dahil sa takot mula sa isang mahinang unga na "meh" ng tupa na kasinglaki lamang ng
kaniyang ulo. Iyon ay…
Isang kakaibang pangyayari na hindi pa naririnig kailanman!
Sa katahimikan ng paligid, lumingon si Jun Wu XIe sa tagapangasiwa ng laban na nasa kabilang
dako ng entablado. Gulat na napanganga ang lalaki habang tinititigan ang mabangis na tigre
na hinimatay at bumubula ang bibig kasama ang amo nito at malinaw na ang lalaki ay hindi pa
rin makahuma dahil sa matinding gulat.
"Maaari mo na sabihin ang resulta." malamig na sabi ni Jun Wu Xie.
Dahil sa paalala ni Jun Wu Xie ay muling nagbalik sa kaniyang diwa ang lalaki at ayon sa
patakaran ng Spirit Beast Arena, sa oras na lumagpas ang isang Spirit Beast sa battle arena
stage ay katumbas ng isang pagkatalo. At ang katawan ng mabangis na tigre na kasalukuyang
makikita na nasa labas ng hangganan ng entablado ay malinaw na makikita kung ano ang
resulta.
"Um… ang panalo sa laban na ito… ay ang Spirit Beast ni Jun Xie…" alinlangan at nauutal na
sabi ng lalaki, ang ekspresiyon sa mukha ng lalaki ay nalilito.
Ang ganitong uri ng resulta ay humigit pa sa inaasahan ng sinuman.
Bagama't nangyari ang lahat sa kanilang harapan ngunit tila hindi totoo ang lahat.
Nang ihayag iyon, ang buong Spirit Beast Arena ay biglang nagkagulo. Ang lahat ay nasasabik
na pinag-usapan ang resulta, bagaman wala ni isa man sa kanila ang makapagbigay ng
wastong sagot na makapagpapaliwanag kung ano ang tunay na nangyari.
Sa ilalim ng nagkakagulong ingay, ang tagapagbalita ay tumingin kay Jun Wu Xie at sandaling
natigilan bago nagtanong: "Young Master Jun, ang iyong Spirit Beast ba ay magpapatuloy sa
pakikipaglaban matapos nito?"
Ayon sa patakaran ng Spirit Beast Arena, ang nagmamay-ari sa Spirit Beast na nakikipaglaban
sa arena ay magagawa na piliin kung ilang beses makikipaglaban ang kaniyang Spirit Beast.
Kung mapinsala ang Spirit Beast, ang nagmamay-ari dito ay maaaring ipahinto muna at
ipagpatuloy ang laban sa susunod o kaya ay tumuloy na agad sa susunod na laban. At upang
makakuha ng pagkakataon na hamunin ang top ten ranks ng Spirit Beast Arena ay
kakailanganin na manalo sila sa sampung sunud-sunod na laban.
Ngunit naisip ng tagapagbalita na hindi na pahihintulutan ni Jun Xie ang munting tupa na Spirit
Beast na magpatuloy pa sa pakikipaglaban. Ang resulta ng laban na iyon ay hindi inaasahan
ngunit wala doon ang pupuri sa kapangyarihan ni Lord Meh Meh kaya ito'y nagwagi. Mula sa
pang-unawa ng lahat ay ang mahinang unga ni Lord Meh Meh at sa hindi malaman na dahilan
ay nagpatakbo sa mabangis na tigre na tila ito ay sinaniban. Ang iba sa kanila ay naniniwala na
may nagyari sa loob ng katawan ng Spirit Beast.
Maaaring dahil sa pagakain na ibinigay ng amo nito bago ang laban kaya nagkaganoon ito.
Nagwagi si Lord Meh Meh sa mga oras na iyon dahil sa swerte.
Ngunit sumagot si Jun Wu Xie: "Tutuloy."
Ang lalaki ay natigilan at inulit muli ang kaniyang tanong. Nang makuha niya ang parehong
sagot ay ay umalis at may pagkalito at matinding kilabot habang inaayos niya ang susunod na
makakalaban ni Lord Meh Meh sa susunod na laban.
Nang marinig ng mga tao na magpapatuloy sa laban si Lord Meh Meh ang buong Spirit Beast
Arena ay biglang nagkaroon ng mga bulung-bulungan at debate. Hindi sila makahanap ng
dahilan tungkol sa pagkapanalo ni Lord Meh Meh at naisip nila na isang kaso lamang iyon ng
pagkatalisod ng isang pusa sa patay na daga kung saan ang iba ay sinasabing dahil iyon sa
katawan ng mabangis na tigre, na maaaring ito ay may sakit o ano man kaya ito ay nanalo.
Hawak ang mga haka-haka sa kanilang puso, ang mga tao ay nagkaroon ng iba't ibang
"makatwirang" konklusyon upang pangatwiranan ito sa kanilang mga sarili.
Naniniwala silang ang magandang kapalaran ay hindi mananatili sa isang tao habang-buhay.
Inakala nila na kaya nais ni Jun Wu Xie na magpatuloy ang kaniyang Spirit Beast sa
pakikipaglaban sa Spirit Beast Arena dahil naliliyo pa ito sa pagkakapanalo niya sa unang
laban!
Nang makalma nila ang mga sarili, ang mga tao ay nagsiayos na at nagbalik sa kanilang mga
upuan, handa ng makita kung ano ang kalalabasan ng susunod na laban. Naniniwala silang ang
kakaibang pangyayari ay hindi na mangyayari sa pangalawang pagkakataon!
Subalit…