Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 970 - Kunehong may Malaking Tainga (2)

Chapter 970 - Kunehong may Malaking Tainga (2)

Nagmamadaling nagtungo doon si Qing Yu sa eksaktong sandali. Hindi niya nakita si Jun Xie sa

lugar kung saan niya iniwan ang bata at ngayon ay nakikita niya si Jun Xie na naglalakad

patungo sa kaniya buhat ang naghihingalong kuneho at iyon ay talagang ikinagulat niya.

"Ito ba ang parehong kuneho kanina?" gulat na tinanong ni Qing Yu si Jun Xie nang makita

niya ang kuneho na nababalot ng dugo.

Tumango si Jun Wu Xie.

"Sa tindi ng tinamo nitong pinsala tingin mo ba talaga ay mabubuhay pa ito?" may pag-

aalinlangan na tanong ni Qing Yu, napakunot ang noo nito nang makita ang kaawa-awang

kalagayan ng kuneho.

Ang isang Spirit Beast na walang kapangyarihan umatake ay hindi magpapakita kailanman sa

Spirt Beast Arena.

Hindi nagsalita si Jun Wu Xie at sa halip ay kinarga ang kuneho patungo sa kaniyang upuan at

siya ay umupo. Nang makita ng mga tao ang ginawa ni Jun Xie, lahat sila ay may pagtatakang

tumingin sa bata, wala sa kanila ang nakakaintindi kung bakit ginawa iyon ni Jun Xie.

Nilagay ni Jun Wu Xie ang kuneho sa kaniyang kandungan. Ang mata ng kuneho ay mariing

nakapikit at wala na itong lakas na natitira pa. Ang pag-abandona ng nagmamay-ari dito at ang

matinding pinsala na tinamo nito ay tuluyang nagkulong sa kalooban nito at tahimik lamang

itong nakahiga doon, hinihintay na kunin ng kamatayan.

Walang imik na naglabas si Jun Wu Xie ng pilak na karayom mula sa kaniyang balakang at

kumuha ng isang rolyo ng sinulid na kasing pino ng sapot ng gagamba mula sa kaniyang

Cosmos Sack. Nilagyan niya ng sinulid ang karayom ngunit hindi muna iyon ginamit at sa halip

ay naglabas ng isang bote ng gamot at inumpisahang ibuhos ito, bumubos mula doon ang

isang isang likido na kulay berde patungo sa mga sugat ng kuneho.

Nang mga sandaling bumuhos ang berdeng likido, ang mabangong amoy nito ay kumalat sa

hangin, ang amoy nito napakapresko. Lahat ng mga taong nakaupo sa paligid ni Jun Xie ay

biglang naakit sa mahalimuyak na amoy at walang malay na nilingon ang kanilang mga ulo

patungo doon, hindi maunawaang tinitigan ang ginagawa ni Jun Xie. Bagama't hindi nila alam

kung ano ang berdeng likido na iyon kung pagbabatayan ang amoy nito, nahuhulaan nilang

isang uri ito ng gamot.

Ngunit...

Ang gamitin ang ganoong gamot sa isang mababang antas ng spirit beast ay isang pag-aaksaya

lamang.

Wala sinuman doon ang sumasang-ayon sa ginagawa ni Jun Wu Xie. Pakiramdam ng iba na

ang bata ay isang baliw.

Ang malamig na likidong gamot ay umagos sa mga sugat ng kuneho at iyon ay nagbigay ng

ginhawa at pinalis ang paghihirap ng kuneho kahit paano.

Ang kuneho na naghihintay na lamang sa kamatayan niya ay biglang naramdaman na ang sakit

sa kaniyang katawan ay nawala. Nanghihinang binukas nito ang kaniyang mga mata at ang

bumungad sa kaniya ay ang seryosong mukha ni Jun Xie. Hindi niya alam kung bakit ngunit

naramdaman niyang siya ay ligtas sa taong ito, mas nagbibigay ito ng pakiramdam ng

kaligtasan sa kaniya kumpara sa kaniyang tagapangalaga. Naramdaman ng kuneho na nais

siyang isalba ni Jun Wu Xie. Sinikap nito na ilabas ang munting dila na may bahid ng dugo

upang banayad na dilaan ang likod ng kamay ni Jun Wu Xie.

Tinitigan ni Jun Wu Xie ang kuneho na nanghihinang nakatingin sa kaniya at sinabi: "Huwag ka

matakot, gagawin ko ang lahat upang gamutin ka."

Walang nakakaalam kung naintindihan ba ng kuneho ang mga sinabi ni Jun Wu Xie o kaya ay

masyado na lamang itong nanghihina kaya pinikit nitong muli ang mga mata.

Ang likidong gamot na ginamit ni Jun Wu Xie kanina ay isang uri ng pangpawala ng sakit. Ang

gamot ay magbibigay ginhawa sa kuneho upang hindi na nito maramdaman ang hirap na dala

ng matinding sakit at bukod doon ang epekto nito ay pahihintuin ang labis na pagdurugo.

Nang masiguro niya na ang mga ugat ng kuneho ay manhid na ay maingat na pinunasan ng

alkohol ni Jun Wu Xie ang pilak na karayom at sinimulang tahiin ang mga sugat ng kuneho.

Tahimik niyang ginawa iyon na tila ang malakas na hiyawan at panunuya sa loob ng Spirit

Beast Arena ay hindi niya alintana. Isinara niya ang kaniyang sarili sa mundo at gumawa ng

sarili niyang mundo.

Nais sanang himukin ni Qing Yu si Jun Xie na tumigil na sapagkat ang mga pinsalang tinamo ng

kuneho ay matindi at walang sinuman ang makakagawa na pagalingin iyon. Ngunit nang

makita niya ang napakaseryosong mukha na bihirang makita sa malamig at walang pakialam

na mukha ni Jun Xie ay mas pinili na lamang ni Qing Yu na tumahimik sa huli.